Diether, pagod na sa "call boy" issue
August 24, 2001 | 12:00am
Iritado na si Diether Ocampo tungkol sa mga kumakalat na balita na namimik-ap daw siya ng call boy kung saan dawit din ang pangalan ni Piolo Pascual.
"Kahit sabihin kong malaking kagaguhan yon, still hindi pa rin maaalis sa iba ang maniwala," iritadong pahayag ni Mr. Ocampo sa isang interview.
"Though I really have nothing to explain, pero hindi maganda yung mga lumalabas. Nakakasira talaga. Its really embarrassing. And you know, tao lang ako para di maapektuhan.
"Kahit sinasabi pa sa akin na huwag na lang pansinin, puwedeng maniwala yung iba. At kahit siguro mag-explain pa ako nang mag-explain, some will insist na totoo pa rin.
"But then, sa sarili ko na lang, as long as alam ko naman ang totoo, mas kilala ko naman ang sarili ko, dapat tanggapin ko na lang ito as a form of intrigue na normal na rito sa showbiz.
"Sabi nga, kung di ka matsitsismis na nambabakla, ikaw naman ang sasabihing bakla. And I guess, its really nothing new. Isipin ko na lang na ganito talaga sa showbiz.
"Sanayan na lang talaga. Kung padadala ka, ikaw ang talo," mahabang sabi niya.
May mga call boy daw kasi na ginagamit lang ang mga artista para mas lalong tumaas ang kanilang presyo sa mga kustomer. At isa na nga rito si Diether na naging biktima ng mga panloloko?
"Trabaho na nga siguro nila yon. Pero kung yon ang paraan nila para kumita ng mas malaki, kahit sabihin pang nakakatulong pala kami, di naman tama. Kami naman ang kawawa!
"Its so sad na pati mga nananahimik na tao, eh, dinadamay nila. Sana naman makapag-isip-sip din sila. Hindi rin naman maganda. Nagtatrabaho kami ng maayos para isali sa mga kalokohan!" mariin niyang pahayag. (Ulat ni Robert Perez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended