^

PSN Showbiz

Kanta ni Andrew E ang inaasahang magdadala ng movi

-
Binigyan man si Andrew E ng Viva Films ng matinding leading lady like Rica Peralejo, siya, Andrew pa rin ang magdadala ng pelikula.

Hindi ba siya natatakot sa magiging expectations sa kanya ng Viva sa latest movie niya? Paano niya nasisiguradong kikita ang pelikula nila ni Rica?

‘‘Ang isa sa nagpapalakas ng loob sa akin at kung bakit sigurado akong kikita ang pelikula namin ni Rica ay ’yung mga taong tumangkilik ng album ko dahil nando’n ang kantang ‘‘Banyo Queen.’’ Hindi naman magkakainteres ang Viva na gawing title ng pelikula ang kanta ko kung alam nilang mahina ang sales ng album ko.

‘‘Multi-platinum na ang album ko at alam ko na ’yung mga bumili ay interesado ring mapanood ang pelikula. Isa pa ring factor kung bakit ito kikita ay si Rica. First time naming together at alam kong inaabangan nila ’yon,’’ ang walang kagatul-gatol na pahayag ng rapper-komedyante.

Eh, wala na bang ibang pelikulang kayang gawin ni Andrew kundi ang pelikulang hinahaluan ng toilet humor?

‘‘I beg to disagree on that. Marami na rin naman akong pelikulang ginawa sa Viva na walang halong toilet humor. At saka itong Banyo Queen, hindi naman ito ’yung klase ng pelikula na puro toilet humor lang. ‘Yung title lang medyo bastos ang dating at karamihan, pero ’yung buong pelikula, sobrang nakakaaliw.

‘‘Meron sana akong gustong gawing pelikula, comedy din, pero hindi pa ako handa. It’s still at the back of my mind. Kasi pag ginawa ko ’yon, marami ang masasagasaan at maraming magugulat. Kaya lang, medyo mahirap umpisahan ang ganu’n,’’ pahayag ni Andrew E. (Ulat ni Leo M. BukaS)

ANDREW E

BANYO QUEEN

BINIGYAN

ISA

KASI

LEO M

PELIKULA

RICA

RICA PERALEJO

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with