KC, hindi insecure kay Nini
August 20, 2001 | 12:00am
Mukhang nagkakaroon ng intriga sa unang pagsasama nina Nini Jacinto at KC Castillo sa Pukyutan ng El Niño Films. Base sa mga balita, sapaw na sapaw si KC sa acting ng Seiko star na si Nini. Tameme raw palagi si KC.
"Excuse me, kahit kailan, hindi ako natameme sa shooting. Sinasabayan ko palagi ang acting niya," sabi naman ni KC. Bakit daw siya magpapatalbog kay Nini gayung contract star siya ng El Niño. Ano na lang daw ang sasabihin ng kanyang producer kung patatalo sa ibang artistang kinuha lang ng kumpanya?
Sa pelikulang Pukyutan, pareho ang papel ng dalawa. Hindi pumayag ang baguhang bold star na maging supporting lang sa pelikula.
No comment naman siya sa balitang nanliligaw sa kanya ang kaparehang si Jeff Gonzales. Pangiti-ngiti lang si KC at ayaw magsalita. Ayaw daw niyang manggamit ng tao lalo sa pag-ibig. Puso niya ang sinusunod at hindi publicity lang. (Ulat ni Vir Gonzales)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended