^

PSN Showbiz

Halina,takot sa manok

- Veronica R. Samio -
Takot na takot sa manok si Halina Perez. Kaya nga nakatutuwang malaman na napili siya ng Philippine Cocking School para mag-promote ng makabagong teknolohiya sa larangan ng pagpapalahi, panggagamot, pagpapakain at pagkokondisyon ng manok panabong.

Ang edukasyon ay nakapagbibigay sigla sa larong sabong para ito ay hindi maituring na isang sugal lamang.

Nung siya ay bata pa, gusto ni Halina na maging isang sundalo. Ang mga laro niya ay pagbibisikleta at basketball. Minsan, ay nakakita siya ng ilang mga sisiw sa loob ng kanilang bakuran. Tinangka niyang dalhin ang mga ito sa kanyang kuwarto pero nakita siya ng inahin at hinabol siya sa loob ng bakuran. Naging traumatic ang experience para kay Halina kaya magmula nun ay ayaw na niyang lumapit sa mga manok.

Bilang leading lady ng PCS, kinailangang labanan ni Halina ang kanyang takot dahil hindi lamang niya kailangang lumapit sa mga manok kundi hahawakan pa niya ang mga ito during pictorials and shootings.

Katatapos lamang niyang mag-shoot ng ilang PCS Break episodes ng Tukaan (IBC 13, Linggo, 12 n.t.-1:00 n.h.). Magiging co-host siya ng nasabing cockfight show for several weeks. Lalabas din siya sa 2002 PDI-TCC Poster-Calendar and Pocket Calendar.
*****
Isa pa ring balikbayan ang isa sa mga iniharap ng ABS-CBN sa press sa ibinigay nitong birthday presscon sa ilan nilang talent kamakailan. Siya si Sarah Christophers, myembro ng Star Circle Batch 8 at madalas mapanood sa mga palabas ng Dos gaya ng Flames, Wansapanataym, G-Mik at Munting Paraiso.

Labingdalawang taon lamang si Sarah nang mag-join siya sa Star Circle. At kahit malayo sa kanyang pamilya na nasa Australia, walang pagsisisi na nadarama ito sa ginawa niyang pagpunta rito para subukan ang kanyang swerte sa local showbiz may dalawang taon na ang nakakaraan.

Bago sa Dos ay naging bahagi rin siya ng Best Frends ng GMA 7. Alam niya na ang pag-aartista is not all sugar and spice, maraming pagkakataon ay sasama rin ang kanyang loob at malalagay sa gulo ng showbiz. Isang dahilan para hindi niya pabayaan ang kanyang pag-aaral bilang fourth year student sa Angelicum College.

"Hindi naman po ako nagmamadali. I take one step at a time. Basta ang importante sa akin, I am giving my best and enjoying the work in the process.

"Okay lang yung gulo, it’s part of the job. Pero, bago pa ako at bata pa para magkaroon ng intriga agad," sabi ng ngayon ay image model din ng Props, isang clothing line na gumagawa ng mga basic pero unique na mga kasuotan.
*****
Pagkatapos ng mahigit sa dalawang taong pananahimik sa recording industry, balik-recording na naman si Janno Gibbs sa paglabas ng kanyang album na pinamagatang "Divas and I" mula sa Viva Records. Nakatakdang ilunsad ang album ngayong tanghali sa programang SOP (GMA7).Ito ay isang duet album na nagtatampok kay Janno kasama ang mga sikat at respetadong diva na gaya nina Kuh Ledesma, Regine Velasquez, Pops Fernandez, Jaya, Zsazsa Padilla, Lani Misalucha at Verni Varga. Naka-duet din niya sina Bing Loyzaga, Rachel Alejandro, Melissa Gibbs at Maxine.Sa TV launch, kakantahin ni Janno ang tatlong awitin na nakasama sa album. Makakasama niyang mag-perform sina Jaya ("Kung Kailangan Mo Ako"), Lani ("Through The Fire") at Rachel ("Everyday", popularized by Agot Isidro).
*****
Produkto ng Maharlikang Pilipino-International ’99 si Tristan A. Supelana, tubong Sorsogon. Bago siya nanalo rito ay nagmomodelo na siya at naging Mr. Bicol-Tourism. Sumali siya sa Maharlikang Pilipino ng walang pahintulot ang kanyang mga magulang. Laking gulat nila nang umuwi siyang dala na ang tropeo, medalya at sash. Nanalo rin siya bilang Best In Barong at Best In Smile. Nakalabas na si Tristan sa ilang programa sa TV at pelikula. Idolo niya sina Jomari Yllana at Cesar Montano. Maaari siyang tawagan sa 09195884545.

AGOT ISIDRO

ANGELICUM COLLEGE

BEST FRENDS

BEST IN BARONG

BEST IN SMILE

HALINA

KANYANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with