^

PSN Showbiz

Nora, nami-miss na ng mga fans!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
What do Senator Panfilo Lacson and ISAF (Intelligence Service Armed Forces of the Philippines) Chief Victor Corpus have in common? Answer: Rudy Fernandez - who portrayed them nang gawing pelikula ang buhay nila.

Mas naunang ginawa ang true-to-life story ni ISAF Chief Corpus. Mga mid-80’s ang nasabing movie, produced by Siamon Ongpin and Charo Santos Concio. Naging highlight daw ng movie nang maging member siya (Corpus) ng New People’s Army and surrendered himself to the government.

Naging entry naman sa 2000 Metro Manila Film Festival ang The Ping Lacson Story under Maverick Films with Lorna Tolentino as Alice Lacson.

Mahigpit na magkaaway ngayon ang dalawa dahil sa expose ni Corpus sa umano’y hidden wealth ni Lacson sa ilang bangko sa America, Hongkong and Canada pero meron pala silang isang bagay na pareho. What a co-incidence.

Parang magandang movie material tuloy ‘yung away nila. Puwede siguro. This time, dual character si Rudy - mas challenging.

Paging movie producers. Baka ito pa ang magbigay ng kakaibang saya sa Philippine movie industry.
*****
For sale na raw ang restaurant ni Kuh Ledesma sa Republic of Malate. Humihina na raw kasi kaya nagpa-plano na siyang ibenta ang franchise ng nasabing restaurant.

"Kumita na siya d’yan kaya ibibenta na niya," the source says.

Anyway, sa tabi ng Republic of Malate naman located ang Krakatoa Bar na ang pangalan ay after the destructive volcano, East of Java, Indonesia na nag-errupt nung 18th century.

Kakaiba ang Krakatoa kumpara sa usual bars and restaurant. Very volcanic ang effect nito sa loob - adorned with volcanic rocks and materials na mapi-feel mo na nasa loob ka ng volcano.

Ayon kay Mike Poblete of Volcanic Foods, Beverage Entertainment Inc., operator ng Krakatoa, young professionals ang karamihan sa crowd nila.

Actually, almost one year na silang nago-operate sa Mabini - 1767 A. Mabini St., Malate.

Krakatoa is a 90-seater bar with full-airconditioning.

At kung noon plain music background lang ang maririnig, ngayon, may mga naka-line-up na silang entertainment every night - Monday is an acoustic night with Romy Jorolan, Wednesdays will be comedy nights; Fridays and Saturdays gonna be dance nights.

Regular performer din nila ang Legit Misfitz and other top DJ’s.

May complete international bar list and delicious bar appetizers ang Krakatoa.

Hindi rin problema sa kanila ang parking dahil may mga reserved areas sila na paradahan.
*****
Binigyan daw ng free airline tickets ni Tourism Secretary Richard Gordon si Jeffrey Jeturian, director ng Tuhog starring Ina Raymundo and Klaudia Koronel matapos nitong (Gordon) malaman na napili ang nasabing pelikula para mag-participate sa Venice International Film Festival.

Ayon sa e-mail ni Wilson Flores, Philippine Star columnist and owner of Padi’s Mindave, nakilala ni Secretary Gordon si Jeturian sa surprise party ng una sa Padi’s Mindave. "Pinakilala ko si direk sa kanya at na-mention ko ang tungkol sa paglahok ng Tuhog movie niya sa prestigious Venice Film Festival ngayong Agosto 29 hanggang Setyembre 8.

"Sabi ko, nangangailangan si Jeff ng tulong para sa subtitling ng pelikula sa Ingles at Italyano na gagawin sa Singapore. Bilang pagsuporta sa pelikulang Pilipino, binigyan ni Gordon si Jeff ng free airline tickets papuntang Singapore, atbp.

"Mula 1932, tatlo lang ang pelikulang Pilipino ang na-invite sa Venice Film Festival - ang Genghis Khan ni Manuel Conde ng 1950’s at ang Sister Stella L ni Mike de Leon noong 1980’s. Sabi ni Gordon, sana manalo si Jeturian dahil malaking tagumpay ito para sa kanya bilang direktor, sa Regal Films ni Mother Lily Monteverde at ng buong pelikulang Pilipino."

Well, sana nga magtagumpay si Direk Jeturian sa Venice International Film Festival para sa karangalan ng buong industriya.
*****
Isang e-mail from Mariano Gan ([email protected]) na nagtatanong ng latest about Nora Aunor.

Nasa abroad daw sila pero they’re very interested in any news about Ms. Nora Aunor. Nanonood daw siya ng Tagalog movies pero bihira lang nilang mapanood si Ms. Aunor.

"I think she’s still the best and greatest actress," he says.

Well, the last time I heard, sa recording muna magko-concentrate si Ate Guy. May tatapusin daw siyang album na matagal nang plano ng superstar.

Sa movie, wala raw muna siyang planong mag- movie dahil binabarat na siya ng mga producer. Ang feeling ng superstar, masyado nang mababa ang tingin ng mga producer sa kanya.

May mga movie offer daw at may magaganda na puwede niyang gawin, pero feeling niya, mas binibigyan ng pansin ng mga producer ang mga artistang kabataan.

Kelan lang ay nagpa-interview si Nora sa TV at isa-isa niyang sinagot ang lahat ng mga intrigang sinasabi sa kanya pagkatapos niyang matalo sa election.

Pero ang hindi pa niya direktang sinasagot ay ang tungkol sa kaso ni Matet na ngayon ay talk of the town dahil sa iba’t-ibang issue.

Hopefully, isa sa mga araw na ito, sagutin din ni Ate Guy ang tungkol dito.
*****
No. 1 na sa US Billboard album charts ang new album ng *NSYNC - "Celebrity" with 1.88 million copies sold on its first week of release.

Only the band’s "No Strings Attached" had higher first week total with 2.4 million units sold March 2000.

Sa Pilipinas, ang "Celebrity" ay platinum na after 10 days ng release ang album na locally distributed ng Universal Records.

Ang new *NSYNC blockbuster also debuted in Japan’s Soundscan chart, in the Oricon Album International sales chart in Malaysia. Ang nasabing album ay certified gold na rin sa Saudi Arabia, Singapore, Malaysia, Indonesia, Japan and Korea in its first week.

Ang "Celebrity" promo blitz sa bansa ay sponsor ng MTV Asia. Kabilang sa promo giveaways for "Celebrity" CD buyers ins selected outlets: Free limited edition *NSYNC full color posters at Tower Records, SM Record Bars, Music On and Radio City outlets.

Email: [email protected]

ATE GUY

CENTER

GORDON

KRAKATOA

MOVIE

PILIPINO

REPUBLIC OF MALATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with