Bagong singer hindi magbo-bold
August 6, 2001 | 12:00am
Kasalukuyan nang inaayos ang nalalapit na concert ng singer na si Andrea Montero. Dating kumakanta si Andrea sa mga five star hotel. Pinakahuli siyang kumanta sa Manila Peninsula. Versatile singer si Andrea. Puwede siyang sexy, puwedeng mag-comedy kapag ang crowd ay tipong pang-sing-along bar.
Si Andrea ang singer na hindi sinasadya ay umagaw ng eksena sa show ni Allan K. sa La Comedia Sing a Long Bar sa Las Piñas. Hataw ang babaing tinaguriang "The Body and the Voice".
Umagaw din siya ng atensyon noong magkaroon ng Palarong Pambansa na ginanap sa Bikol. Si Nora Aunor ang panauhin at napansin niya ang pagkanta ni Andrea.
"Tagahanga ako ni Guy, kababayan ko siya, kaya excited ako noong araw na yon," kuwento ni Andrea. Hinding-hindi makakalimutan ni Andrea ang pagkakataong yon lalo na noong batiin siya ni Nora pagkatapos kumanta.
Sa show namang naganap sa La Comedia, humanga naman sa kanya si Allan K. Grabe kasi ang boses niya at appeal kapag nasa stage. Tuwing Saturday, star siya sa Cafe Extravaganza sa Tomas Morato. May offer din kay Andrea na magpa-seksi sa pelikula. Pero ayaw niya dahil mas gusto niyang maging singer kaysa maging bold star. (Ulat ni Vir Gonzales)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am