Sexy actress, kinakatok sa kwarto ng kaparehang aktor
August 5, 2001 | 12:00am
Sa kabila ng pagkakaroon ng asawa ng isang sikat na aktor ay mahilig pa rin itong manligaw o magpalipad-hangin sa mga nagiging leading lady niya. Ganito ang kwento ng isang seksing aktres.
Minsan ay nagsyuting sila sa isang malayong lalawigan kung saan kasama ng bata at magandang aktres ang sikat na aktor. Tipong nataypan ng aktor ang sexy star dahil panay ang pagte-text nito habang nagsusyuting sila kung saan sinasabing "I really like you a lot." Hindi naman siya pinapansin ng aktres knowing na may asawa na ito.
Isang gabi ay kinatok siya ng aktor sa kuwarto ng hotel na kanyang tinutuluyan dahil magkalapit kuwarto lang sila. Hindi niya ito pinagbuksan ng pinto dahil ang tanging kasama lang niya ay ang kanyang alalay. Makulit ang aktor at sunud-sunod pa ang pagkatok nito sa pinto. Naitanong tuloy sa sarili ng aktres kung hindi kaya nakainom ang aktor?
Kinabukasan nang magkita ang dalawa sa set ay panay ang tingin ng aktor sa kanya. Dahil sa takot ay nagpalipat ng ibang hotel ang seksing aktres kahit hindi first class bastat ang mahalaga ay mahimbing siyang nakakatulog.
Maraming pelikulang ginagawa ang seksing aktres at in-demand naman sa movie at telebisyon ang aktor na ito na malimit kontrabida ang role.
Naging hit ang "Pagdating ng Panahon" ni Aiza Seguerra kaya in-demand siya ngayon sa telebisyon.
Ngayon ay kinukuha siya ng Dos para mapasama sa Wattahmen gayundin sa Click ng Syete.
Pero prioridad ng singer-actress ang kanyang pag-aaral kaya tinanggihan niya ang offer.
Sa tatlong taong pamamalagi sa showbiz ni Angela Velez, na-maintain niya ang kanyang kaseksihan dahil sa regular work-out, tamang diet at ehersisyo. Dahil magaling sumayaw ay nabigyan siya ng pagkakataong mapasama sa Magandang Tanghali Bayan hanggang makasali din sa Home Along Da Riles. Sa G-Mik ay madrasta naman siya ni Angelika Panganiban.
Hindi rin nawawalan ng pelikula ang aktres dahil malapit nang ipalabas ang Parehas ang Laban ng Solar Films. Dito masusubukan ang kaalaman niya sa martial arts kung saan ibat-ibang stunts ang kanyang ginawa. Kasama ni Angela ang dalawang magagaling na artista na sina Ian Veneracion at John Regala.
Inspirado ngayon sa trabaho ang magandang aktres dahil bukod sa magandang takbo ng career ay kuntento na rin siya sa piling ni John Apacible.
Matagal-tagal na rin sa showbiz si Brando Legaspi, ang pinaka-guwapong anak ni Lito Legaspi. Wala siyang reklamo kahit anong papel ang ibinibigay sa kanya kaya nga tinatanggap niyang maging kontrabida.
Nagbunga na rin sa wakas ang matagal nitong paghihintay dahil bida na ang magaling na aktor. Katambal siya ni Beth Tamayo sa Bay Angels ng True Color Films Production na itinatag nina Tony Ramos at Adel Dimayuga. Marami pang magagandang plano sa kanya ang kompanya. Kasama din si Brando sa Dudurugin Ko Pati Buto Mo na tinatampukan ni Jacky Woo.
Open sa pagsasabi ang aktor tungkol sa kanyang asawa at anak na kaiba sa ginagawang pagde-deny ng ibang artista kaya maganda ang karma nito.
Minsan ay nagsyuting sila sa isang malayong lalawigan kung saan kasama ng bata at magandang aktres ang sikat na aktor. Tipong nataypan ng aktor ang sexy star dahil panay ang pagte-text nito habang nagsusyuting sila kung saan sinasabing "I really like you a lot." Hindi naman siya pinapansin ng aktres knowing na may asawa na ito.
Isang gabi ay kinatok siya ng aktor sa kuwarto ng hotel na kanyang tinutuluyan dahil magkalapit kuwarto lang sila. Hindi niya ito pinagbuksan ng pinto dahil ang tanging kasama lang niya ay ang kanyang alalay. Makulit ang aktor at sunud-sunod pa ang pagkatok nito sa pinto. Naitanong tuloy sa sarili ng aktres kung hindi kaya nakainom ang aktor?
Kinabukasan nang magkita ang dalawa sa set ay panay ang tingin ng aktor sa kanya. Dahil sa takot ay nagpalipat ng ibang hotel ang seksing aktres kahit hindi first class bastat ang mahalaga ay mahimbing siyang nakakatulog.
Maraming pelikulang ginagawa ang seksing aktres at in-demand naman sa movie at telebisyon ang aktor na ito na malimit kontrabida ang role.
Ngayon ay kinukuha siya ng Dos para mapasama sa Wattahmen gayundin sa Click ng Syete.
Pero prioridad ng singer-actress ang kanyang pag-aaral kaya tinanggihan niya ang offer.
Hindi rin nawawalan ng pelikula ang aktres dahil malapit nang ipalabas ang Parehas ang Laban ng Solar Films. Dito masusubukan ang kaalaman niya sa martial arts kung saan ibat-ibang stunts ang kanyang ginawa. Kasama ni Angela ang dalawang magagaling na artista na sina Ian Veneracion at John Regala.
Inspirado ngayon sa trabaho ang magandang aktres dahil bukod sa magandang takbo ng career ay kuntento na rin siya sa piling ni John Apacible.
Nagbunga na rin sa wakas ang matagal nitong paghihintay dahil bida na ang magaling na aktor. Katambal siya ni Beth Tamayo sa Bay Angels ng True Color Films Production na itinatag nina Tony Ramos at Adel Dimayuga. Marami pang magagandang plano sa kanya ang kompanya. Kasama din si Brando sa Dudurugin Ko Pati Buto Mo na tinatampukan ni Jacky Woo.
Open sa pagsasabi ang aktor tungkol sa kanyang asawa at anak na kaiba sa ginagawang pagde-deny ng ibang artista kaya maganda ang karma nito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
38 minutes ago
By Gorgy Rula | 38 minutes ago
38 minutes ago
By Leon Guerrero | 38 minutes ago
Recommended