^

PSN Showbiz

Pati magulang damay sa Rica-Jolina feud!

-
Lumalala ang iringan between Rica Peralejo and Jolina Magdangal. Pati ang mga magulang nila ay kasali na rin sa gulo at ayaw na ring paawat sa intriga at kumpetisyon ng dalawa.

Matagal na ang bangayan na ito sa bawat kampo nina Rica at Jolina. Sandali itong nanahimik pero muling sumabog nang masangkot si Rica sa marijuana issue at ang kampo ni Jolina ang lumabas na nagpasimuno.

Matagal na ngang pinagsisigawan ni Rica na kilala na nila ang mga taong gumagawa ng kasiraan laban sa kanya na ang pakay ay ibagsak siya. At ang duda nga ng lahat, ang kampo ni Jolina ang may kagagawan.

"I must admit na kilala na talaga namin sila, but I never mentioned nor I identify anyone else. I never name names in my interviews, at kung guilty man ang sino man ay baka sila nga.

"Sabi ko nga, bahala na silang mag-isip kung sino man silang tinutukoy namin dahil kilala na rin nila ang kanilang mga sarili," simula na rin sa amin ni Ms. Peralejo in our recent interview with her.

Kung tutuusin, ayaw na ring patulan pa ni Rica ang isyung may kinalaman kay Jolina. Hindi na rin daw dapat pang pagkumparahin sila dahil magkaiba na sila ng image dahil nagpapaseksi na siya.

Ayaw din ngang isipin ni Rica na napag-iwanan na niya si Jolina nang milya-milya. Kapansin-pansin nga raw na walang ingay ngayon kay Jolina. Na tila nalaos ito ng wala sa oras?

"Kahit naman kailan, never na pumasok sa isip ko ang competition. Never na pumasok sa isip ko na ako ang angat o nahuhuli. Basta nagtatrabaho lang ako at pinagbubutihan ko lang ang trabaho ko. And that’s it.

"Wala akong pakialam sa career ng iba. Gusto ko rin lang maniwala na kanya-kanyang oras at panahon lang talaga dito sa showbiz. And maybe it’s my time now," nasabi na lang ni Rica. (Ulat ni Robert Perez)

vuukle comment

AYAW

JOLINA

JOLINA MAGDANGAL

KAHIT

MATAGAL

MS. PERALEJO

RICA

RICA PERALEJO

ROBERT PEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with