^

PSN Showbiz

Lani M, ayaw na sa pulitika

-
Balik TV si Lani Mercado pagkatapos ng election via Kasangga sa episode na "Baliw Na Ina" na mapapanood ngayong gabi, 9:00-10:30 p.m. sa GMA 7.

Ayon kay Lani, matagal din niyang hindi nagawang umarte kaya nang sabihin na magi-guest siya sa Kasangga, hindi siya nagdalawang isip.

Hudyat ito na muling magiging aktibo si Lani sa pelikula at telebisyon. Pero nauna na niyang sinabi na hindi na muna sila gagawa ng pelikula ni Bong dahil pakiramdam nilang mag-asawa, hindi ito ang tamang pagkakataon.

Sinabi na rin ni Lani na wala na siyang planong pumasok sa pulitika matapos siyang matalo bilang mayor ng Bacoor.

Lumipat na rin silang mag-anak sa Alabang at pansamantala nilang iniwan ang kanilang tahanan sa Cavite. Ayon kay Lani, kailangan nila ng bagong kapaligiran para madaling malimutan ang hindi naging magandang kapalaran nilang mag-asawa sa pulitika sa katatapos na election.

At any rate, ang Kasangga ay mapapanood tuwing Martes, 9:00-10:30 p.m sa GMA 7.

vuukle comment

ALABANG

AYON

BACOOR

BALIK

BALIW NA INA

CAVITE

HUDYAT

KASANGGA

LANI

LANI MERCADO

LUMIPAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with