^

PSN Showbiz

Sweet na si Diwata

-
Tanggap na tanggap ngayon si Diwata kahit pa-sweet ang image niya sa kanyang bagong single "Ikaw at Ako sa Habang Panahon" na isang love song at hindi ‘naughty’ tulad ng "Sisirin Mo". Madalas mang marinig sa radyo at i-promote sa mall tours ang "Ikaw. . ." ay nire-request pa rin palagi ang "Sisirin Mo". Sa mga party at iba pang pagtitipon na kung saan ay naiimbitahan siya bilang performer, mas kinagagalakan siya pag mula sa pagiging sweet ay nagiging naughty siya!

"Iba naman kasi siya sa ibang sumikat sa pagiging singer ng mga kantang may double-meaning," kuwento ng reporter na si Boy Silverio. "Alam naman natin na hindi lang siya ang pinakamaganda sa kanila kundi pinakabata pa. Kaya, siyempre, mas kinagigiliwan siya pag malandi ang dating sa pagkanta. Eh, lalo na ang kalalakihan, doble-panalo sila ‘ika nga. Seksi na yung kanta, seksi pa yung kumakanta."

Nang tanungin naman ang "Singing Goddess" kung okey lang sa kanya na andun pa rin yung image niya bilang naughty singer, sagot niya: "Wala siguro akong magagawa diyan. Kung ano siyempre ang gusto nila, ibibigay ko. Ang importante rito, nasisiyahan din sila kahit standard song ang kinakanta ko. At least, kahit yung hindi mahilig sa ‘naughty’ ay napapasaya ko rin. Ang gusto ko lang namang mawala ay yung akala ng iba na ‘naughty’ rin ako sa tunay na buhay. Hindi po, simple lang po ako pag wala sa stage."

Sa ngayon ay abala rin si Diwata sa kanyang pagsasanay sa gym at pagsayaw. Pinaghahandaan kasi niya ang mga live shows na iniaalok sa kanya na kung saan ay nais niyang maging sing-and-dance performer. Dahil bata pa, dapat lang na maging versatile siya para magtagal sa limelight. Ayaw niyang maging uso lamang, nais niyang maging bahagi ng showbis sa loob ng maraming taon pa.

"Lahat ay ginagawa ko hindi lang dahil sa materyal na bagay o kasikatan," sabi pa ni Diwata, "kundi dahil na rin sa mga taong nagtitiwala sa akin. Ang Asiatec na nagbigay ng break sa akin, mga mahal ko sa buhay na sumusuporta sa akin at mga reporter na tumutulong sa aking publicity. Sa ngayon ang tanging paraan ng pasasalamat ko sa kanila’y mapanatili ko ang aking sarili sa sirkulasyon."

"Basta," biro ng isang fan ni Diwata, "sisid lang siya nang sisid at malayo pa ang kanyang mararating!" (Ulat ni Zar Baisas)

vuukle comment

ALAM

BOY SILVERIO

HABANG PANAHON

IKAW

LANG

SINGING GODDESS

SISIRIN MO

SIYA

ZAR BAISAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with