Jacky Woo, mabagal kumilos!
July 30, 2001 | 12:00am
"Napaka-sensitive na gentleman ni Jacky Woo," sabi ni Aya Medel noong isang linggo sa Sheraton coffee shop. "Nung ginagawa namin yung Total Aikido, basta tahimik lang siya sa tabi, hindi ko alam kung nago-observe lang siya o ano. Tinuruan niya ako ng salitang I love you sa Nippongo. Kalimitan, nag-uusap kami sa sign language.
"Mahirap maging close sa kanya, kasi hindi mo siya makausap. Hindi siya marunong mag-English, hindi rin marunong mag-Tagalog. Kailangan lagi ng interpreter. Pero hindi naman siya suplado. Lagi lang siyang mukhang seryoso."
Ayon kay Aya, nang gawin na nila yung sikwel ng Total Aikido, Dudurugin Ko Pati Buto Mo, medyo iba na ang pakikitungo ni Jacky sa kanya. "Extra sweet na siya. Nung naghahabulan kami sa beach at binibiro ko siya, nakatawa na siya, hindi na siya pikon. Kung nakakapag-English lang sana siya o nakakapag-Japanese ako, mas maigi."
Nagpakita ba si Jacky ng interes sa kanya? Na-feel ba niyang gusto nitong ligawan siya? " I dont think so. Noon kasing part one ng Total Aikido, may lovescene kami, siya itong balot na balot. Nakakumot kami, kunwari, hubot hubad pero si Jacky, naka-shorts. Eh ako, walang pakialam.
"Mas intimate ang eksena namin ni Jacky sa Total Aikido kasi girlfriend niya ako bilang si Cristy. Bago kami ikasal, napatay ako. Sa Dudurugin, kamukha ako ni Cristy, ako si Megu. Naging close kami pero wala kaming lovescene."
May bagong boyfriend si Aya ngayon, non-showbiz personality. "After Vinci Abesamis, siya na. Simple siya pero rock. Walang commitment ang relationship namin, I can do whatever I want. Pero binata siya. Wala siyang asawa."
Noong isang linggo, naging bahagi si Aya ng isang aksidente sa pagitan ni Jackie Forster at isang sibilyan. "Pauwi na ako ng Greenhills, 4 oclock in the morning, may nakita akong naaksidente, hindi ko hinintuan. May humintong taxi sa aksidente. Akala ko isinakay niya yung mama at yung bata, hindi pala. Hindi niya isinakay kaya binalikan namin. Dalawang babae ang kasama ko sa kotse. Plus yung driver ko. May edad na yung naaksidenteng lalake. Dadalhin niya yung anak niya sa ospital. Kinukumbulsiyon daw. Nakasakay siya sa trak, nagbanggan sila ni Jackie. Hindi ko alam kung ano ang istorya, basta pagdating ko doon, nandun na, parehong wasak yung trak ng lalake at kotse ni Jackie. Si Jackie, nandun lang, nakatayo at nag-iiyak. Dinala na lang namin sa nearest hospital yung lalake. After that, hindi ko na alam ang nangyari. Naawa ako doon sa mama. Naalala ko kasi nung naaksidente ako noong 1999."
Nami-miss ni Aya ang isang regular TV show gaya ng Kirara. "Wala na ako sa book two gaya ng ibang cast. Kasi, lumaki na si Kirara, naging si Patricia Javier na. Pag nasanay ka palang may regular TV show, mami-miss mo ito. Pero sa Book One pa lang, maaga akong nabakasyon doon, kasi, yung husband ko doon, si Daniel Fernando, tumakbo sa pulitika. Yung lagi naming kaeksena, si Tirso Cruz III, tumakbo rin. Pagbalik nila, binago na ang istorya. Pati ako, nawala na rin. Sana, may panibagong soap opera na makasama ako. It would be nice."
Naging revelation si Jacky Woo sa mga broadsheet at tabloid editors nang magparinig ito ng isang Japanese song, "Toki-to-Umi-o-Koeti" na ang kahulugan sa literal English ay "Crossing over Time and Space" noong Lunes sa Anabels. Ayon sa interpreter ng Japanese action star, ginawa ni Jacky ang kanta para pag-ugnayin ang Japan at Pilipinas. "My father is half-Chinese," pagtatapat ni Jacky sa pamamagitan ni Mary Takeda, "I am more comfortable in making films in Asia than doing films in the United States."
Si Jacky ay muling nasa bansa para sa promotion ng pelikula niyang Dudurugin Ko Pati Buto Mo. Co-director si Jacky ni Jerry Tirazona. Mukhang napamahal si Jacky sa Pilipinas dahil dalawa pang pelikula ang gusto niyang gawin dito. Pabor naman ito sa True Colors Film Productions ng bansa at sa Forward Group ng Japan na pag-ari ni Jacky mismo. Ang Solar Films ang taga-release ng pelikula.
Sa Japan, si Jacky ay involve lamang sa pagdidirek at pagpoprodyus ng pelikula. Nakagawa na siya ng 20 pelikula. "But in the Philippines, it is my first time to act in my movies," sabi niya.
Sa totoo lang, ang estilo ng pagiging action star ni Jacky ay kakaiba. Bago siya makipagkaratehan, nagsasayaw muna siya. Kilala kasi siya sa Japan bilang "Dancing Aikido Master." Noong pinanood ko ang Total Aikido, talagang natatawa ang mga tao. "Parang si Gary Valenciano!" sabi nila. Hindi sanay ang Filipino audience sa ganitong style ng isang action star. At nababagalan sila sa kilos ni Jacky bilang action star. Sa Japan na mahinahon ang mga tao, normal lang ang ganitong uri ng action. Sanay ang mga tao sa ganitong senaryo. Pero sa Pinoy audience na naiimpluwensyahan ng Hollywood action films, nakakapanibago ang dating ni Jacky.
Sa tingin ko, kumikita naman ang mga pelikula ni Jacky, lalo na ang Total Aikido dahil bakit magkakaroon ito ng sikwel kung hindi? "Umabot naman ng one week sa mga sinehan ang Total Aikido, kahit paano, nakabawi," sabi ng Solar Films PR na si Emy Abuan. Palagay ko, kayang-kaya ni Jacky na gumawa ng maraming pelikula sa Pilipinas dahil hindi naman malaki ang kanyang nagagasta. Milyonaryo si Jacky. Ang Forward Group niya ay ilang dosenang kumpanya ang pinapatakbo, gaya ng film production, cosmetics, talent center at iba pa. Si Jacky Woo ay kilala sa Japan bilang si Yoshiyuki Ohira.
Very private si Jacky. Ayaw niyang natatanong tungkol sa status niya, kung binata pa siya o may asawa na. Nang tanungin siya kung may asawa na siya, sinagot niya ang tanong ng "What do you think?" Kay Aya Medel, nakakuha ako ng impormasyon. "He is a divorcee," sabi ni Aya. Ayaw siguro ni Jacky na sabihing diborsyado siya dahil oras na sabihin niya ito, ang daming tanong tiyak ang karugtong. Katwiran niya. "What is important is for people to watch my film, not my personal life."
"Mahirap maging close sa kanya, kasi hindi mo siya makausap. Hindi siya marunong mag-English, hindi rin marunong mag-Tagalog. Kailangan lagi ng interpreter. Pero hindi naman siya suplado. Lagi lang siyang mukhang seryoso."
Ayon kay Aya, nang gawin na nila yung sikwel ng Total Aikido, Dudurugin Ko Pati Buto Mo, medyo iba na ang pakikitungo ni Jacky sa kanya. "Extra sweet na siya. Nung naghahabulan kami sa beach at binibiro ko siya, nakatawa na siya, hindi na siya pikon. Kung nakakapag-English lang sana siya o nakakapag-Japanese ako, mas maigi."
Nagpakita ba si Jacky ng interes sa kanya? Na-feel ba niyang gusto nitong ligawan siya? " I dont think so. Noon kasing part one ng Total Aikido, may lovescene kami, siya itong balot na balot. Nakakumot kami, kunwari, hubot hubad pero si Jacky, naka-shorts. Eh ako, walang pakialam.
"Mas intimate ang eksena namin ni Jacky sa Total Aikido kasi girlfriend niya ako bilang si Cristy. Bago kami ikasal, napatay ako. Sa Dudurugin, kamukha ako ni Cristy, ako si Megu. Naging close kami pero wala kaming lovescene."
May bagong boyfriend si Aya ngayon, non-showbiz personality. "After Vinci Abesamis, siya na. Simple siya pero rock. Walang commitment ang relationship namin, I can do whatever I want. Pero binata siya. Wala siyang asawa."
Noong isang linggo, naging bahagi si Aya ng isang aksidente sa pagitan ni Jackie Forster at isang sibilyan. "Pauwi na ako ng Greenhills, 4 oclock in the morning, may nakita akong naaksidente, hindi ko hinintuan. May humintong taxi sa aksidente. Akala ko isinakay niya yung mama at yung bata, hindi pala. Hindi niya isinakay kaya binalikan namin. Dalawang babae ang kasama ko sa kotse. Plus yung driver ko. May edad na yung naaksidenteng lalake. Dadalhin niya yung anak niya sa ospital. Kinukumbulsiyon daw. Nakasakay siya sa trak, nagbanggan sila ni Jackie. Hindi ko alam kung ano ang istorya, basta pagdating ko doon, nandun na, parehong wasak yung trak ng lalake at kotse ni Jackie. Si Jackie, nandun lang, nakatayo at nag-iiyak. Dinala na lang namin sa nearest hospital yung lalake. After that, hindi ko na alam ang nangyari. Naawa ako doon sa mama. Naalala ko kasi nung naaksidente ako noong 1999."
Nami-miss ni Aya ang isang regular TV show gaya ng Kirara. "Wala na ako sa book two gaya ng ibang cast. Kasi, lumaki na si Kirara, naging si Patricia Javier na. Pag nasanay ka palang may regular TV show, mami-miss mo ito. Pero sa Book One pa lang, maaga akong nabakasyon doon, kasi, yung husband ko doon, si Daniel Fernando, tumakbo sa pulitika. Yung lagi naming kaeksena, si Tirso Cruz III, tumakbo rin. Pagbalik nila, binago na ang istorya. Pati ako, nawala na rin. Sana, may panibagong soap opera na makasama ako. It would be nice."
Si Jacky ay muling nasa bansa para sa promotion ng pelikula niyang Dudurugin Ko Pati Buto Mo. Co-director si Jacky ni Jerry Tirazona. Mukhang napamahal si Jacky sa Pilipinas dahil dalawa pang pelikula ang gusto niyang gawin dito. Pabor naman ito sa True Colors Film Productions ng bansa at sa Forward Group ng Japan na pag-ari ni Jacky mismo. Ang Solar Films ang taga-release ng pelikula.
Sa Japan, si Jacky ay involve lamang sa pagdidirek at pagpoprodyus ng pelikula. Nakagawa na siya ng 20 pelikula. "But in the Philippines, it is my first time to act in my movies," sabi niya.
Sa totoo lang, ang estilo ng pagiging action star ni Jacky ay kakaiba. Bago siya makipagkaratehan, nagsasayaw muna siya. Kilala kasi siya sa Japan bilang "Dancing Aikido Master." Noong pinanood ko ang Total Aikido, talagang natatawa ang mga tao. "Parang si Gary Valenciano!" sabi nila. Hindi sanay ang Filipino audience sa ganitong style ng isang action star. At nababagalan sila sa kilos ni Jacky bilang action star. Sa Japan na mahinahon ang mga tao, normal lang ang ganitong uri ng action. Sanay ang mga tao sa ganitong senaryo. Pero sa Pinoy audience na naiimpluwensyahan ng Hollywood action films, nakakapanibago ang dating ni Jacky.
Sa tingin ko, kumikita naman ang mga pelikula ni Jacky, lalo na ang Total Aikido dahil bakit magkakaroon ito ng sikwel kung hindi? "Umabot naman ng one week sa mga sinehan ang Total Aikido, kahit paano, nakabawi," sabi ng Solar Films PR na si Emy Abuan. Palagay ko, kayang-kaya ni Jacky na gumawa ng maraming pelikula sa Pilipinas dahil hindi naman malaki ang kanyang nagagasta. Milyonaryo si Jacky. Ang Forward Group niya ay ilang dosenang kumpanya ang pinapatakbo, gaya ng film production, cosmetics, talent center at iba pa. Si Jacky Woo ay kilala sa Japan bilang si Yoshiyuki Ohira.
Very private si Jacky. Ayaw niyang natatanong tungkol sa status niya, kung binata pa siya o may asawa na. Nang tanungin siya kung may asawa na siya, sinagot niya ang tanong ng "What do you think?" Kay Aya Medel, nakakuha ako ng impormasyon. "He is a divorcee," sabi ni Aya. Ayaw siguro ni Jacky na sabihing diborsyado siya dahil oras na sabihin niya ito, ang daming tanong tiyak ang karugtong. Katwiran niya. "What is important is for people to watch my film, not my personal life."
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended