^

PSN Showbiz

Nasa video si Priscilla Almeda

-
Habang hinihintay ng kanyang mga tagahanga si Priscilla Almeda na magbalik mula sa U.S. at isiwalat ang lahat tungkol sa isyu ng kanyang pagbubuntis, ini-release ng C-Interactive Digital Entertainment sa orihinal na VCDs at VHS tapes ang kanyang pinakahuling pelikula, ang Syota ng Bayan. Kabituin sina Eddie Garcia at Tonton Gutierrez, tamang-tama ito sa mga mahilig sa bold movies na nami-miss na si Priscilla!

Ang nasabing movie ay tungkol kay Tanya, isang bold star na unti-unti nang nawawala ang kasikatan. Nagdesisyon siyang umuwi sa probinsiya at dito’y pinasok niya ang pulitika sa pamamagitan ng pagtakbo bilang kalaban ng kasalukuyang alkalde ng kanilang bayan. Naging mainit ang sitwasyon para kay Tanya lalo pa’t nakarelasyon niya si Lee, ang anak ng alkalde. Ang mga sumunod na pangyayari’y magpapatunay na dapat lang na kasabikan si Priscilla ng kanyang mga tagahanga.

Bukod sa Syota, ini-release rin ng C-Interactive sa orihinal na video ang maaksyong Air Rage na tinatampukan nina Ice T at Alexandra Raines.

Ikatlo sa pakete ng releases sa linggong ito ay ang Let’s Go Tamiya videos na para naman sa mga kabataang Gen-X at mahilig sa karera ng kotse. Malilimutan nila si Michael Schumacer dahil ang magkapatid na Jet at Joey Seiba ay sasabak sa pinakamatinding karerahan sa mini-4WD World Grand Prix. Isa itong kakaibang panoorin na talaga namang punumpuno ng thrill at suspense. ‘Ikaw nga, mapapapadyak ka sa galak! Para sa mga katanungan, ang mga interesado’y maaaring tumawag sa tel. nos. 2455011-12.

vuukle comment

AIR RAGE

ALEXANDRA RAINES

C-INTERACTIVE DIGITAL ENTERTAINMENT

EDDIE GARCIA

GO TAMIYA

ICE T

JOEY SEIBA

MICHAEL SCHUMACER

PRISCILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with