^

PSN Showbiz

Bernard, jinx kay Rica?

-
Jinx daw sa buhay ni Rica Peralejo ang kanyang rumored boyfriend na si Bernard Palanca. Kung hindi raw niya ito tsutsugihin sa kanyang buhay ay baka raw tuluyan nang malasin ang kanyang career.

Kung mapapansin, simula nang ma-involve si Rica kay Mr. Palanca ay tila nabawasan ang kanyang kinang bilang next "Sex Goddess of Philippine Cinema". Baka nga maungusan pa siya ni Assunta de Rossi na humahataw ngayon.

At paano nga ba ito sasagutin ni Ms. Peralejo?

"Alam n’yo kasi, unang-una, hindi ako naniniwala sa jinx-jinx na ‘yan. Kaya unfair naman kay Bernard na sabihing malas siya sa buhay at career ko. That’s really not fair!

"Ang pangit namang pakinggan. Nananahimik ‘yung tao para maakusahan ng ganyan. Wala namang ginagawang masama ‘yung tao para masabihang jinx siya," mahabang pagtatanggol agad ni Rica kay Bernard.

It would be recalled na nasabihan ding ‘kalawang’ sa kanyang career si Bojo Molina nu’ng mag-on pa sila. Kaya natawa na rin lang si Rica na si Bernard naman ang pinaparatangan nang ganito.

"Narinig ko na ‘yan noon kay Bojo. Eh, parang sa lahat na lang yata ng lalake na madikit sa akin, sinasabihan nila nang gano’n. Kawawa naman sila, at kawawa rin naman ako baka umiwas na sila sa akin, ‘di ba? napatili na lang siya.

Ipinagtanggol din ni Rica si Bernard sa akusasyong bad influence ito sa kanya.

"Wala pong ginagawang masama si Bernard. Wala rin siyang itinuturong masama sa akin, kaya bakit naman nila sasabihing bad influence si Bernard sa akin? I really don’t see any reason para sabihin nila ‘yon.

"Hindi pa nila masyadong kilala si Bernard. Mabait na tao siya," pagtatanggol pa niya. (Ulat ni Robert Perez)

vuukle comment

BERNARD

BERNARD PALANCA

BOJO MOLINA

KAYA

MR. PALANCA

MS. PERALEJO

RICA

RICA PERALEJO

ROBERT PEREZ

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with