^

PSN Showbiz

Patricia, hindi malala ang sakit

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Sa India magpi-pictorial si Assunta de Rossi para sa Bench. Yes folks, siya ang latest endorser ng Herbench.

May mga naunang lumabas na pinagpilian sila ni Mylene Dizon para maging endorser. "Hindi ako aware sa ganyang issue. Basta ang alam ko, Bench ang tumawag sa akin," she says.

Most probably after Red Diaries na lang siya magpi-pictorial.

By the way, na-disapproved ang first trailer ng Red Dairies.

At hindi pa man napapalabas ang Red Diaries, finish na ni Assunta ang follow-up movie niyang Ilog Pasig for Seiko Films under the direction of Jose Javier Reyes. Originally, Sisid ang title ng nasabing pelikula. May kinalaman kasi ito sa pagsisid - inspired ang movie sa mga babaeng nagi-exhibition sa loob ng aquarium sa isang hotel sa Quezon City.

"Baka kasi magka-problema pa sa MTRCB kaya ginawa na lang Ilog Pasig," Assunta explains. Mas grabe raw ang ginawa niyang daring scenes dito.

At any rate, showing na next week ang Red Dairies.
*****
Hindi na-impress ang Film Regulatory Board (FRB) sa Radyo starring Rufa Mae Quinto and Jeffrey Quizon.

Pina-review daw kasi ng Viva Films ang nasabing pelikula, pero hindi na-convince ang ilang FRB member na nakapanood para bigyan ng tax rebate ang pelikula.

Naging particular daw ang nag-review sa takbo ng story.

Ayon pa sa source ng Baby Talk, hindi maganda ang review kay Direk Yam Llaranas. "Hindi raw marunong magkuwento. Chapter as in pangit daw ang movie," the source adds.
*****
Maraming nakakapansin na noong panahon na nasa Magandang Tanghali Bayan at in-demand na in-demand si Willie Revillame, halos lahat ay gusto siyang maging kaibigan.

Lahat daw sila ay gustong makasama sa show o tawagan si Willie. Pero nang magkaroon siya ng problema sa MTB, naglahong parang bula ang akala niya’y mga kaibigan niya na makakasama sa oras ng krisis.

Halos ayaw na siyang batiin at ‘yung iba ay halos iwasan tuwing masalubong nila ang komedyante.

Well, ganoon naman sa showbiz. Marami ka lang kaibigan pag in-demand ka. Pero oras na mawala ka sa mainstream, kasabay din silang nawawala.

Hindi ko naman nilalahat sa showbiz, pero ganoon ang karaniwang sistema pag sikat ka at biglang nawala.

Pero one of these days, siguradong magiging active uli ang career ni Willie kaya siguradong babalik rin ang mga kaibigan niyang iniwan siya.

Anyway, hanggang ngayon daw ay hindi pa rin umaangat ang rating ng MTB. Totoong wala raw naitulong ang grupo nina Rico Yan, Marvin Agustin at Dominic Ochoa kahit tatlo pa silang ipinalit kay Willie.
*****
Nasa bansa na raw pala si Phillip Salvador contrary sa lumabas dito na ayaw na niyang bumalik ng bansa after the election. In fact, inihahanda na raw ang gagawin niyang pelikula sa Viva Films.
*****
Nag-start nang mag-shooting ng second movie si Mikey Arroyo under MMG Films last Saturday night. Sa may Paco area ang first shooting day nila.

Ayon kay Mikey, malaki ang pasasalamat niya sa MMG dahil hindi pa man tapos ipalabas ang Mahal Kita...Kahit Sino Ka Pa with Judy Ann Santos, heto’t may kasunod na. This time, si Kristine Hermosa naman ang leading lady niya.
*****
Nabasa ng friend ko sa isang magazine na okey naman daw si Patricia Borromeo contrary sa report na grabe ito dahil sa cancer of the lymph nodes.

Ayon daw sa report, totoong naga-under-go ng chemoteraphy si Ms. Patricia sa Makati Medical Center pero hindi naman daw ito bedridden. Nagpupunta lang daw si Ms. Patricia sa hospital kung naka-schedule siyang i-chemo. Na-detect na rin daw ng mga doctor kung anong sakit ni Ms. Patricia - thymona, isang affliction sa thymus gland.

Ang sakit daw na ito ay nagagamot.

Ilang sessions lang ang naka-schedule kay Ms. Patricia at twice pa lang siyang nagpa-chemo.

Ayon pa raw sa report, okey naman si Patricia sa kasalukuyan at normal ang takbo ng buhay nito. May mga pagkakataon pa raw na lumalabas si Patricia kasama ang mga kaibigan. Regular pa rin daw itong nagpupunta sa kanyang pinapasukang pre-school - TEA House.
*****
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]/[email protected]

vuukle comment

ASSUNTA

AYON

CENTER

DAW

ILOG PASIG

MS. PATRICIA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with