Wala akong pakialam kay Piolo - Juday
July 23, 2001 | 12:00am
Usapan ngayon ang tungkol sa hinanakit daw ni Judy Ann Santos kay Piolo Pascual at pagkainis naman kay Pops Fernandez. Lumalabas pa na nasasaktan na siya at nagmumukha na siyang tanga?
At gaano nga ba katotoo na nag-walk-out siya last minute sa concert ng The Hunks kamakailan nang malaman niyang nasa loob din ng Music Museum si Ms. Fernandez?
"Sa totoo lang, nakakagulat ang balitang yan. Paano naman kasing mangyayari yon, eh may trabaho pa ako that time? Gusto ko talagang manood ang kaso may trabaho pa talaga ako na dapat unahin at tapusin.
"At kahit pa siguro nandon si Pops, ano rin ang dahilan para mag-walk-out or mag-back out ako? I really dont see any reason para gawin yon kung sakali.
"Gusto ko rin linawin na wala akong karapatan para panghimasukan ang buhay ni Piolo. Ano naman ang karapatan kung kuwestiyonin ang pagkaka-link niya kay Pops?" mariing balik-tanong pa ng tinaguriang young superstar. (Ulat ni Robert Perez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended