MMFF 2001, binagyo
July 22, 2001 | 12:00am
Paano nga ba makakaahon ang ating industriya ng pelikula kung walang kooperasyon ang mga producer at artista? Sa ginanap na launching ng 27th Metro Manila Film Festival sa Wack Wack Golf and Country Club nung Huwebes ng gabi ay halos walang nakitang mga artista o producer kaya. Sayang dahil maganda yung musical program na inihanda participated in by Marco Sison, Dessa, Sunshine Dizon and Dulce with hosts Arnell Ignacio and Sherilyn Reyes. Maski na ang mga mayors ng Metro Manila who were supposed to host the affair were absent. Tanging sina Mayors Jose Capco ng Pateros at Toby Tiangco ng Navotas were present. Syempre andun sina Atty Esperidion Laxa, Chairman Ben Abalos at ang producers na sina Manny Nuqui at Wilson Tieng.
From a reliable source nalaman ko na tinawagan ang maraming lider ng pelikula pero nalalayuan daw sa lugar at nagsabing pipiliting pumunta pero, di rin sila dumating.
Paki-explain nga kung paano nga uunlad ang industriya kung sa ganyang kaliit at minsan sa isang taong pagtitipon ay ayaw puntahan ng mga producer at artista. Paki-explain nga!
Matapos ang matatagumpay na mga konsyerto nina Martin Nievera at Jaya para sa The Crossover Live Tour, isang concert series para sa DWBM 105.1, si Lani Misalucha naman ang magkakaroon ng performances para sa nasabing concert series una sa Grand Ballroom ng Waterfront Hotel, Lahug, Cebu City sa Agosto 4, 8 ng gabi at sa Araneta Coliseum sa Setyembre 8 sa pareho ring oras.
Joining Lani are Joey Generoso of Side A Band at si Malik with stage direction by Rowell Santiago and Musical direction by Louie Ocampo. Tickets to both concerts are priced at P1000, P600, P400, P200 at P75.
Bale sila ang pantapat ng Regal Films sa Hunks ng ABS CBN. Tatatlo lamang sila compared to the five young men ng Dos pero hindi ibig sabihin ay llamado na sila sa kanilang mga kalaban sapagkat guwapo rin sina Cogie Domingo, Danilo Barrios at James Blanco na ilulunsad ni Mother Lily Monteverde sa isang pam-bagets na pelikula, ang Cool Dudes. Di tulad ng kanilang counterparts, hindi mamasel ang tatlo, mas gusto nilang tanggapin sila ng tao dahilan sa kanilang talino.
Of the three, pinaka-tahimik si James Blanco, ang endorser ng isang beauty soap. Ang kanyang boy next door look ay madaling nakagaanan ng loob ng tao kung kaya napasali siya sa Cool Dudes na magpapakilala rin kina Glaiza de Castro, Gemmalene Estrada at Angelene Aguilar bilang love interest ng tatlong kabataang lalaki.
"Its time to bring the whole family back to the movies. Its time for a cool change," anang matriarka ng Regal.
The cool change seems to creep up on the three young men na inaasahang masusundan ang bakas ng mga nakaraang Regal Babies.
"Pag mahina kang tumunog, di ka cool," ani James. "Pakiramdaman na lang kasi ngayon, lahat dinadaan sa tunugan. Yung ability to sense kung okay o cool yung style mo o hindi. Either you have it in you or not, pag mahina kang tumunog, di ka cool," paniguro niya.
From a reliable source nalaman ko na tinawagan ang maraming lider ng pelikula pero nalalayuan daw sa lugar at nagsabing pipiliting pumunta pero, di rin sila dumating.
Paki-explain nga kung paano nga uunlad ang industriya kung sa ganyang kaliit at minsan sa isang taong pagtitipon ay ayaw puntahan ng mga producer at artista. Paki-explain nga!
Joining Lani are Joey Generoso of Side A Band at si Malik with stage direction by Rowell Santiago and Musical direction by Louie Ocampo. Tickets to both concerts are priced at P1000, P600, P400, P200 at P75.
Of the three, pinaka-tahimik si James Blanco, ang endorser ng isang beauty soap. Ang kanyang boy next door look ay madaling nakagaanan ng loob ng tao kung kaya napasali siya sa Cool Dudes na magpapakilala rin kina Glaiza de Castro, Gemmalene Estrada at Angelene Aguilar bilang love interest ng tatlong kabataang lalaki.
"Its time to bring the whole family back to the movies. Its time for a cool change," anang matriarka ng Regal.
The cool change seems to creep up on the three young men na inaasahang masusundan ang bakas ng mga nakaraang Regal Babies.
"Pag mahina kang tumunog, di ka cool," ani James. "Pakiramdaman na lang kasi ngayon, lahat dinadaan sa tunugan. Yung ability to sense kung okay o cool yung style mo o hindi. Either you have it in you or not, pag mahina kang tumunog, di ka cool," paniguro niya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended