Carlos Agassi, sisibakin sa teleserye?
July 21, 2001 | 12:00am
Balitang sisibakin na si Carlos Agassi sa Sa Dulo Ng Walang Hanggan. Patuloy daw kasi ang negative feedback tungkol sa acting ni Carlos at ang walang chemistry na tambalan nila ni Claudine Barretto.
Hindi na raw nakaangat sa ratings game ang program at nauungusan na ng katapat na drama soap ng GMA 7, ang Ikaw Lang Ang Mamahalin.
Paano raw kasing panonoorin ang drama soap ni Carlos kung wala naman daw itong kalatuy-latoy umarte. Nagdadrama raw si Carlos pero imbes na maawa at madala ka, eh, matatawa ka pa raw.
Marami nga ang naawa kay Carlos. At kesa naman tuluyan siyang pagtawanan ay mas makakabuti raw na tsugihin na lang siya sa nasabing show. Sabi pa nga, mag-commercial at mag-rap na lang daw siya!
And the latest we heard, si Onemig Bondoc daw ang malamang na humalili kay Carlos. Pero nang makausap namin si Onemig, wala pa raw siyang alam tungkol dito.
"Well, gusto ko talagang magkaroon ulit ng sariling soap. Pero hindi yata maganda kung aalisin si Carlos at ako ang ipapalit. Parang out of respect, hindi ko yata matatanggap yon. Though wala pa namang offer about it, sabi sa amin ni Mr. Bondoc.
Iniisip din nga ni Onemig ang intriga na posibleng pagsimulan sa kanila ni Carlos. Pero ano nga ba ang magagawa niya hindi siya ang nagde-desisyon ng ganito kundi ang management ng Dos. (Ulat ni Robert Perez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended