^

PSN Showbiz

Boobs ni Assunta pagsasawaan ng mga manonood

- Veronica R. Samio -
Bagaman at hindi pa napapanood ng Italian father ni Assunta de Rossi ang kanyang first bold movie sa Regal Entertainment na pinamagatang Red Diaries, naniniwala siya na hindi magiging isang malaking isyu sa kanilang mag-ama ang ginawa niyang pagpapakita ng kanyang katawan sa movie.

"Hindi big deal sa Italy ang mga ganitong paghuhubad. Maski na nga ang commercial ng mineral water ay gumagamit ng nude woman bilang endorser," pagtatanggol niya. "Besides, boobs lang naman ang nakita sa akin, wala nang iba. Hindi ako papayag kung mas mahigit pa rito ang ipapakita ko. Mahihiya na ako. Pero, I must admit na maski ako nagsawa sa dami ng exposure ko," dagdag pa niya.

Idinagdag pa rin ni Assunta na hindi naging konsiderasyon niya sa pagbu-bold ang pera. "Maliit lang naman ang talent fee ko. Di ko ginawa ang movie dahilan sa pera.

Hindi rin naging konsiderasyon ang dati niyang nobyo na si Rommel Adducul. "If I give up my career for him tapos, hindi naman kami magpapakasal, wala ring silbi, walang sense. Now, if he makes it a condition for marrying me, baka pumayag pa ako," sabi niya.

Kung mayroon mang nag-aalala sa bagong image ni Assunta, ito ay walang iba kundi ang nakakabata niyang kapatid na si Alessandra.

Natatakot ito sa magiging trato ng tao sa kanya ng kapatid. Kaya nga wala itong balak na sundan ang mga yapak niya.

"Bilib ako sa kapatid ko. Talagang she will fight for me. Hindi naman kasi ako palaban na tao eh. Mahaba ang aking pasensya. Kahit apihin ako okay lang, pero hindi sa kapatid ko," sabi niyang may pagmamalaki.

When asked kung ano ang kaibhan niya sa maraming bold stars natin, walang kagatul-gatol niyang sinabi na "Walang pinaretoke sa katawan ko at may height ako."
*****
Wala ring naging problema ang naging direktor ni Assunta sa Red Diaries na si Maryo J. delos Reyes. "Cordial and friendly kami during the shoot," aniya who considers Assunta as one of his women gaya nina Pops, Alice, Aiko at Maricel. Katunayan, si Assunta ang gusto niyang muling lumabas sa kanyang pelikulang Apoy ng Lumay, isang pelikula tungkol sa sorcery sa Siquijor, lumay meaning gayuma. Isa na naman itong maselang pelikula na pinaniniwalaan ni direk Maryo J. na mabibigyan ng justice ng batang bold star.
*****
Natutuwa si German Moreno, pangulo ng Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT), sapagkat suportado ni Navotas Mayor Toby Tiangco ang Anti-Piracy Law. Wala itong pinapayagang magbenta ng pirated CD at VCD sa kanyang bayan sa kagustuhan niyang masuportahan ang industriya ng pelikula at musika na sa paniniwala niya ay unti-unting pinapatay ng mga pirata. Dahilan dito ay inimbita siya ng tinaguriang Master Showman sa programa nito sa GMA para manawagan sa mga tulad niyang opisyal ng bayan na tumulong sa kanilang pagsugpo sa piracy sa bansa.
*****
Samantala, ilulunsad na ng Metropolitan Manila Development Authority at ng Metropolitan Manila Mayors for the benefit of Mowelfund, FAP at ng Motion Picture Anti-Film Piracy Council sa Huwebes, Hulyo 19, ang ika-27th Metro Manila Film Festival.

Isang malaking paghahanda ang inaasahan na magaganap sa taong ito para mahikayat ang mga film producer na gumawa ng mga quality films na talagang laan lamang sa mga ganitong pagkakataon.

Hindi naman kaila sa lahat na nagbago na ang panlasa ng mga moviegoers, marahil dala na rin ng kahirapan at ng hindi magandang ekonomiya kung kaya kakaunting pelikulang lokal lamang ang masasabing talagang kumikita. Ang tagumpay ng taunang palabas na ito ay magsisilbing senyales kung may pagkakataon pang muling mabuhay ang industriya natin ng pelikula. Isang hamon din ito sa mga producer na gumawa ng pelikula na talaga namang maipagkakapuri at susuportahan ng manonood.

vuukle comment

AKO

ANTI-PIRACY LAW

ARTISTANG PILIPINO

ASSUNTA

MARYO J

NIYANG

RED DIARIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with