Isa pang Japanese ang interesado sa local showbiz
July 17, 2001 | 12:00am
Siya si Tetsuya Matsui, na katulad ng kanyang kababayan at kaibigang si Cynthia Luster ay interesado rin sa local showbiz industry. Gusto niyang gumawa ng pelikula dito bilang isang producer at actor. Interesado rin siya sa TV at advertising. May isa lamang balakid, hindi siya kasing-tatas ni Luster sa pagsasalita ng Ingles at maski na Tagalog. Ito ang pinaka-malaking dahilan kung kaya madaling nahuli ng Japanese actress ang loob ng mga Pilipino at nagawang makapag-pabalik-balik dito at gumawa ng hindi iisa kundi ilang mga pelikula.
Sinabi ni Tetsuya, through a lovely interpreter na nag-aaral na siya ng Tagalog. In fact, nagawa niyang batiin ang ilang mga press na dumalo sa isang intimate talk with him recently sa isang restaurant sa Morato ng isang magandang hapon. Paminsan-minsan ay nagagawa niyang sagutin ang ilang mga katanungan sa kanya bago pa ito ma-interpret ng kanyang kasama.
Hindi na baguhan si Tetsuya sa larangan ng pelikula, having started his movie career in 1986 nang pumirma siya ng kontrata sa Golden Harvest Films para gumawa ng pelikula kasama si Samo Hung sa Boho Promotions. Ang Choy Kai Fok Shin (Ten Lucky Stars) ang kanyang debut movie. A year after, pumunta siya ng Hongkong at naging leading lady si Michelle Yeow, ang leading lady ni Pierce Brosnan sa James Bond movie na Tomorrow Never Dies. Sa pakiusap ng Toei Films, bumalik siya ng Japan para gawin ang Shinjuku Love Story kapartner si Touru Nakamura. Matapos siyang maobserbahan ng nasabing movie outfit gusto nilang gumawa siya ng pelikula sa Japan para sa kapakanan ng industriya ng pelikula nito.
Hindi ito ang unang punta sa bansa ni Tetsuya. Ikatlo na niya. Yung unang dalawa ay nagbakasyon lamang siya. Ngayon ay naririto siya para tingnan ang posibilidad na makagawa siya ng pelikula o palabas sa TV. He has been to Cavite, Bacolod, Manila. Hindi raw siya takot sa mga nangyayaring gulo dito na dulot ng Abu Sayyaf dahil hindi naman siya mukhang dayuhan. Kamukha rin siya ng mga Pilipino.
Bata pa si Tetsuya, 30 years lang at binata pa. Posible ba na mag-fall siya sa isang Pinay?
"Pwedeng pwede. mabait ang Pinay, maganda, straight at masilbi," translated ng kanyang interpreter.
Magiging abala ang taong ito para sa binatang Hapones. Bukod sa kanyang napakaraming paglalakbay, araw-araw ay patuloy ang kanyang ensayo sa martial arts. Dalawang oras tuwing ikalawang araw ay may training siya. Hindi siya gumagamit ng double sa kanyang mga pelikula at kahit na ilang ulit nang nabingit sa panganib ang kanyang buhay ay okay lamang sa kanya. Ang mahalaga, kuntento siya sa kanyang ginagawa. Isang buwan siyang mananatili ng bansa. Kapag maganda ang prospect babalik siya para gumawa ng mga pelikula at palabas sa TV.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended