Getting to know Mikey Arroyo
July 15, 2001 | 12:00am
Mas masaya, mas casual yung latest interview ko kay Mikey Macapagal Arroyo na ginanap hindi sa Malacañang na kung saan una niyang balak na papuntahin kami ("Dun ang mom ko ang magbabayad sa food, dito ako ang taya. Alam nyo naman ako, kuripot," sabi niyang nagbibiro) sa kanilang penthouse residence sa isang condo. Bagaman nakita ko na lumaki ang bilang ng kanyang security because of the Abu Sayyaf threat, still naging maayos at matahimik ang aming pag-uusap sapagkat nakita namin sila pero hindi naramdaman. Ganun sila ka-respeto.
Mas nakatutuwang makita ang anak ng Pangulo na walang habas kung tumawa habang nagkukwento. Komportableng-kumportable siya sa aming grupo kaya nagawa pa niyang magtanggal ng sapatos at magsuot ng tsinelas habang kumakain ng kanyang ikalawang serving ng spaghetti.
Three to four nights a week lamang siya kung lumuwas ng Maynila. Most of the time, nasa Pampanga siya at ginagampanan ang kanyang pagiging bise gobernador.
"Kung tutuusin, mas mahirap ang trabaho ko bilang anak ng presidente kaysa bilang vice governor ng Pampanga. Bilang anak ng Pangulo, hindi ako maaaring magkamali, because people are questioning the legitimacy of my moms presidency. Palagi niyang sinasabi sa akin that I have to turn the other cheek, to always give way, to humble myself. Kailangan daw ihuhuli ko ang sarili ko pero minsan naman tao lang ako na nabibigla, nagagalit.
Ngayon kung nagagalit ako, hindi na lang ako nagsasalita. Dinededma ko na lang ang kagalit ko," sabi niya.
Inamin niya na maganda ang takbo ng kanyang career ngayon at kung ito ay may kinalaman sa pagiging pangulo ng kanyang ina, nagpapasalamat na lamang siya.
"I am most happiest now, lalo na naging bida na ako at nakapareha ko pa ang napakasikat na si Judy Ann Santos. Isang dream come true sa akin yung pagtatambal namin. Hiniling ko talaga na makatambal siya.
"Kung may ma-develop sa amin, gusto yun ng Diyos. Maligaya na ako na nakasama ko siya. Dati nga, hindi ako makapagsalita kapag kaharap siya, ni hindi ko maibuka ang aking bibig.
"Di totoo yung mga balita ba may tampuhan kami. Nag-usap na kami at kung totoo man na may tampo siya sa akin dahil sa mga intriga na tinutulungan ko yung mga kalaban niya sa kanyang kaso, nawala na ito. I assured her na hindi ko yun gagawin sa kanya. I cannot do anything sa kanilang away because these are my friends, hindi ko mga employee. Wala sila sa payroll ko kaya hindi ko sila madidiktahan."
Itinanggi niya na may girlfriend na siya. "Pinsan ko yung sinasabi nilang girlfriend ko raw. In time, magkakaroon din siguro ako ng girlfriend. Wala naman akong balak na tumandang binata, no!."
Hindi siya nahiya na aminin na between politics and showbiz, mas gusto niya ang huli dahil "Sa showbiz inilalabas ang good side namin."
His movie, Mahal Kita Kahit Sino Ka Pa will premiere on July 16 sa SM Southmall. When asked kung manonood ang mom niya, sinabi niyang malamang hindi sa premiere, kundi sa regular showing.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended