^

PSN Showbiz

Juday, ayaw mag-promote ng movie with Mikey

-
Balitang hindi makakatulong si Judy Ann Santos sa promo ng first movie nila together ng presidential son na si Mikey Arroyo, ang Mahal Kita, Kahit Sino Ka Pa ng MMG Entertainment.

Ayon na rin sa aming source, malaki ang hinanakit ni Judy Ann dahil sa tatlong reporters na nasa likod umano ng produksyon. Paano daw kasi siyang makakatulong kung ang idedemanda niyang tatlong reporters ay malapit umano sa MMG? At ito pa raw ang financier?

Kung paniniwalaan pa ang tsika, nu’ng nakaraang presscon para sa nasabing movie, wala raw kaplanu-plano si Judy Ann na dumalo. Napilitan lang daw ang dalaga dahil sa hiya na rin.

Pero nilinaw naman ni Judy Ann na wala siyang galit o hinampo sa kanyang bagong leading man. Kahit may lumalabas pang balita na si Mikey din ang backer ng tatlong reporters na sasampahan niya ng kaso.

"Walang problema sa amin ni Mikey. Nagkausap na rin kaming dalawa tungkol sa lumalabas na pagtulong niya sa mga reporters na idedemanda namin. Wala raw siyang alam ro’n at naniniwala naman ako.

"Hindi na rin muna ako magsasalita tungkol sa demanda namin. Mas magandang sa korte na lang kami magharap-harap," pag-iwas niya.

"Gusto ko ring ipagtanggol si Mikey sa mga isyung lumalabas na lumaki na ang kanyang ulo. Dumami siguro ang mga kausap niya at kanyang security men, at ‘yon lang ang masasabi kong nabago sa kanya.

"Wala rin akong maalala na ininsulto raw niya ako or anything like that. Mahilig lang siyang magbiro, and I guess misinterpreted lang siya," sabi pa niya.

Ayaw ring patulan ni Judy Ann ang intrigang nasapawan daw siya ni Mikey sa press conference nila.

"Naiintindihan ko naman ‘yon dahil first time niyang humarap sa movie press. At least nabigyan siya ng pagkakataon na magsalita to clear his name. It’s his presscon, actually. Salimpusa lang ako," at napangisi na siya sa kanyang pagbibiro. (Ulat ni Robert Perez)

AYAW

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

KAHIT SINO KA PA

MAHAL KITA

MIKEY

MIKEY ARROYO

ROBERT PEREZ

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with