^

PSN Showbiz

Dingdong, Diether magbabanggaan

-
Asahan na raw ang banggaang Dingdong Dantes at Diether Ocampo sa nalalapit na oras.

Ito ang bulong sa amin ng isang GMA-7 insider kung saan nakatakda na rin daw ilunsad si Dingdong sa isang soap opera, katapat ang daily soap ni Diether sa ABS-CBN 2.

Ayon pa sa aming nakausap, ngayong August na ang simula ng nasabing TV soap ni Mr. Dantes pagkatapos ng kanyang four episodes sa Larawan. Pero ayaw munang magbigay ng details ni Dingdong ukol dito.

"Basta I’m happy with GMA. Ang feeling ko ngayon, parang nagbunga na rin lahat ’yung matagal na paghihintay ko," excited na sabi pa ng guwapong binata.

Ayaw din ngang isipin ni Dingdong na siya ang magiging sagot ng Syete kay Diether ng Dos. And that, ayaw din niyang ilagay sa ulo ang titulong Drama Prince bilang panapat kay Diether.

"I know where I stand at alam kong marami pa rin akong dapat na patunayan. Ngayon pa rin lang ako nagsisimula. Kaya napakabigat para sa akin ng title na ’yon.

"Alam kong marami ang mas deserving sa akin for that title. And’yan din sina Jericho (Rosales), Piolo (Pascual)... Marami talagang magagaling. Kaya mahirap na. Ipagpapasalamat ko na lang ang lahat at magtatrabaho na lang ako nang maayos."

At this point, nausisa naman ang tungkol sa tsikang si China Cojuangco ang umano’y bagong love ng buhay niya.

"We’re friends, pero hindi totoo na kami na o nililigawan ko siya. Nakakahiya naman sa kanya. Baka isipin pa nu’ng tao na binibigyan ko ng malice ’yung friendship namin.

"Nagsimula ang friendship namin nu’ng mag-host kami sa Binibining Pilpinas. And that’s it," paglilinaw niya.

Ano kaya ang masasabi rito ni Onemig Bondoc? (Ulat ni Robert Perez)

vuukle comment

BASTA I

BINIBINING PILPINAS

CHINA COJUANGCO

DIETHER OCAMPO

DINGDONG DANTES

DRAMA PRINCE

KAYA

MR. DANTES

ONEMIG BONDOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with