^

PSN Showbiz

Modelong mamamayan ng Malabon

-
Isa si Angelika dela Cruz na pinarangalan sa idinaos na Ika-20 Gintong Parangal bilang modelong mamamayan ng Malabon noong Hunyo 30 mula sa Kalipunan ng Mga Samahan sa Malabon (KASAMA) sa pakikipagtulungan sa city government. Ang nagkaloob ng parangal ay si Mayor Amado Vicencio at Victoriano Sibug ng KASAMA.

Pinagkalooban si Angelika ng Gawad ng Katangian bilang Total Performer.

Hindi lang niya ginamit ang kanyang ganda at talino sa showbiz kundi para makatulong sa pagbabago ng komunidad at maging inspirasyon at modelo ng mga kabataan.

Si Maria Lourdes Egger dela Cruz o Angelika ay nagsimula sa showbiz noong 1995 sa gulang na labing-apat. Matapos ang anim na taon ay nakagawa siya ng siyam na pelikula under Regal, Star Cinema at GMA Films. Nakagawa rin siya ng album sa BMG Pilipinas Recording Company at Imperial Records sa Japan.
Paolo, Ipinagtanggol Ni Miriam
Nagkita kami ni Paolo Bediones sa S-Files noong Linggo at tinanong ko kung may namumuo bang relasyon sa kanila ni Miriam Quiambao? Hindi kasi natuloy ang pagpapakasal nito sa kanyang boyfriend na si Martin Bernardo. Anim na taon na silang magkasintahan.

Ayon kay Paolo magkaibigan lang sila ni Miriam. Bagamat wala siyang nobya ngayon ay nakikipag-date naman siya sa mga natitipuhang babae.

Sa kabilang banda, ipinagtanggol ni Miriam si Paolo at sinabing wala siyang kinalaman kundi man natuloy ang kanilang kasal ng nobyo. Gusto niyang suriing mabuti ang sarili bago tuluyang lumagay sa tahimik. Nararamdaman naman ni Miriam na magkakabalikan pa rin sila ng nobyo.

Nagpapasalamat ang dating beauty queen dahil sa malaking suportang ibinibigay sa kanya ni Paolo at nahihiya nga siya dahil nadadamay ito sa kanyang lovelife.
Balik-Direktor Si Boyet
Unang nagdirek ng pelikulang Halimaw sa Banga si Christopher de Leon na tinatampukan ni Ian de Leon at ngayon ay sa TV naman siya magiging direktor.

Titled Kakabakaba tampok si Gelli de Belen kung saan panay papuri ang inuukol nito sa aktor dahil madali nilang natapos ang taping nang walang aberya.

Isa ako sa regular viewer ng Who Wants To Be A Millionaire na apat na beses nang napapanood sa isang linggo.

Magaling na host nito si Boyet bukod pa sa pagiging magaling na dramatic actor.
Rufa Mae, Natsitsismis Kay Bong
Simula nang magkasama sina Rufa Mae Quinto at Bong Revilla sa sitcom na Idol Ko Si Kap ay hindi na sila tinatantanan ng intriga. Kesyo may relasyon ang dalawa ayon sa tsismis. Ang sabi pa ay si Bong ang nag-sponsored ng trip niya sa dalawang linggong pagbabakasyon sa Amerika.

Naunang bumalik ng bansa ang seksing aktres at naiwan doon ang aktor. Ipinaliwanag ni Rufa na sa dami ng trabaho niya ay gusto naman niyang mag-relax kaya nagtungo ng Amerika pero walang kinalaman doon si Bong. Nahihiya nga ito kay Lani Mercado dahil nauugnay siya sa action star.
Rumarampa Pa Rin Sa Hotel Ang Born-Again St Actress
Miyembro ng Charismatic group ang maganda at seksing aktres na ito. Wala siyang pelikula ngayon at minsan ay napapasama sa mga out-of-town shows. Dahil hindi makasapat ang kanyang kita ay minabuti niyang rumampa uli sa mga five star hotel. Malaki naman ang ibinabayad sa kanya sa pakikipag-one night stand sa mga madadatung na kliyente. Nakakatulong ito sa pang-araw-araw na pangangailangan niya sa buhay.

Pero ayon sa aking source ay tuloy pa rin ang pagiging born-again ng aktres.

Ang aktres na may maamong mukha ay nagbida na rin sa pelikula at ngayon ay nagbabalik-showbiz.

vuukle comment

AMADO VICENCIO

AMERIKA

ANGELIKA

BALIK-DIREKTOR SI BOYET

BONG REVILLA

CENTER

CRUZ

GINTONG PARANGAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with