Mr. Rhythm is back
July 11, 2001 | 12:00am
Mahirap makalimutan si Rannie Raymundo. Dahilan sa kanyang pambihirang talino sa musika ay dalawang titulo ang nakuha niya, Mr. Rhythm at The Total Music Man. Bukod sa kanyang singing voice, he plays several musical instruments, guitar, piano, saxophone, flute, harmonica, drums and other percussion instruments.
Isa rin siyang composer. He has written more than a thousand songs, most of them he keeps for himself, the ones that are out have gained recognition. Ang kanyang monster hit, "Why Can’t It Be?" earned a triple platinum. "Hanggang Kailan", "That’s What Love Does" at "Åting Bawiin" ay naging nominado sa Awit Awards. "Ang Awit Mo" ay nanalo sa Metropop. "Nag-iisang Bituin," his first venture into movie music theme ay naging nominado sa Star Awards at FAMAS, Last year, naging finalist na naman siya sa Metropop, composing "Noon at Ngayon" which he also interpreted together with Dessa.
Matapos ang mahaba-habang panahon na kung saan ay mas binigyan niya ng prioridad ang kanilang family business at nagpaka-sawa sa larong golf, muling humaharap si Rannie sa isang bagong hamon sa pamamagitan ng isang bagong CD na may pamagat na "Oras". Ito rin ang carrier single ng kanyang album na nagsasabi ng kanyang frustration sa kakulangan ng panahon lalo na kapag may mahalagang bagay siyang pinagkakaabalahan o kaya ay nasa piling ng babaeng mahal niya. Marami pang interesting songs si Rannie sa album gaya ng "Payaso" at "Isa Pa".
Madalas na namang makikita si Rannie sapagkat magpu-promote siya ng album. Sa July 13, nasa SM Pampanga siya; July 15, SM Sucat; July 20, SM North Edsa; July 21, SM Southmall; July 22, SM Manila; July 27, SM Iloilo at July 28, SM Cebu.
Nagsimula na kagabi ang pagpapalabas ng Monica Brava, ang telenovela na patok sa maraming bahagi ng mundo at pinangungunahan ng aking itinuturing na Regine Velasquez ng Argentina, si Natalia Oreiro. Tulad ng Asia’s Songbird, mayroon siyang tattoo sa ankle at mahilig maglagay ng bulaklak sa katawan. Nung makita ko siya ay naka-bracelet siya ng red daisy as compared to Regine who puts it in her hair.
Di tulad ni Thalia na napaka-seryoso at pormal, natural at may pagka-kalog si Natalia na taga-Uruguay pero pumunta ng Argentina para dun magsimula ng isang career.
Bagaman at kilala niya si Thalia, sinabi niyang hindi sila magkakilalang dalawa. Ang Monica Brava ay ika-walo sa mga telenovela na ginawa niya. Sa panghuling apat lamang siya nagsimulang mag-bida.
Labindalawang taon nang magsimulang mag-artista si Natalia. Nakagawa na siya ng 35 na komersyal. Kumakanta siya at nagpi-perform kasama ng isang banda bago siya naging artista. Dalawa lamang silang magkapatid na parehong babae. Ang kanyang ama ay gumagawa ng kasangkapan sa bahay at para matulungan ito ay iminomodelo niya ang mga kasangkapan na ginagawa nito tulad ng mga silya at kama. Ang kanyang ina ay kumakanta rin at sinabi niyang mas magaling ito sa kanya. May aso siya na ipinangalan niya sa kanyang ina. Ang kanyang lola ang number one critic niya.
Malaki ang naitulong ng pagdating ni Natalia para mabigyan ng interes ang TV viewers na panoorin ang Monica Brava, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng gabi, GMA .
Nanalo si Ryan Cayabyab sa first Onassis International Competition for Original Music Composition for Dance and Original Choreography (2001).
Nanalo si Ryan para sa kanyang orihinal na komposisyon na "Misa 2001", a dance presentation choreographed by Douglas Nierras. Kasama niyang nanalo ng second prize ang isa pang kompositor na si Christopher Lyndon-Gee ng United Kingdom. Walang nanalo ng first prize. Tinalo ni Ryan ang 46 na entries mula sa 24 na bansa.
Sa isang faxed letter mula kay Barbara Charamis, administrative secretary ng Onassis International Prizes Committee, nabatid ni Ryan ang kanyang victory.
Ang award ceremony ay magaganap sa Athens, Greece sa Nobyembre 27, 2001.
Isa rin siyang composer. He has written more than a thousand songs, most of them he keeps for himself, the ones that are out have gained recognition. Ang kanyang monster hit, "Why Can’t It Be?" earned a triple platinum. "Hanggang Kailan", "That’s What Love Does" at "Åting Bawiin" ay naging nominado sa Awit Awards. "Ang Awit Mo" ay nanalo sa Metropop. "Nag-iisang Bituin," his first venture into movie music theme ay naging nominado sa Star Awards at FAMAS, Last year, naging finalist na naman siya sa Metropop, composing "Noon at Ngayon" which he also interpreted together with Dessa.
Matapos ang mahaba-habang panahon na kung saan ay mas binigyan niya ng prioridad ang kanilang family business at nagpaka-sawa sa larong golf, muling humaharap si Rannie sa isang bagong hamon sa pamamagitan ng isang bagong CD na may pamagat na "Oras". Ito rin ang carrier single ng kanyang album na nagsasabi ng kanyang frustration sa kakulangan ng panahon lalo na kapag may mahalagang bagay siyang pinagkakaabalahan o kaya ay nasa piling ng babaeng mahal niya. Marami pang interesting songs si Rannie sa album gaya ng "Payaso" at "Isa Pa".
Madalas na namang makikita si Rannie sapagkat magpu-promote siya ng album. Sa July 13, nasa SM Pampanga siya; July 15, SM Sucat; July 20, SM North Edsa; July 21, SM Southmall; July 22, SM Manila; July 27, SM Iloilo at July 28, SM Cebu.
Di tulad ni Thalia na napaka-seryoso at pormal, natural at may pagka-kalog si Natalia na taga-Uruguay pero pumunta ng Argentina para dun magsimula ng isang career.
Bagaman at kilala niya si Thalia, sinabi niyang hindi sila magkakilalang dalawa. Ang Monica Brava ay ika-walo sa mga telenovela na ginawa niya. Sa panghuling apat lamang siya nagsimulang mag-bida.
Labindalawang taon nang magsimulang mag-artista si Natalia. Nakagawa na siya ng 35 na komersyal. Kumakanta siya at nagpi-perform kasama ng isang banda bago siya naging artista. Dalawa lamang silang magkapatid na parehong babae. Ang kanyang ama ay gumagawa ng kasangkapan sa bahay at para matulungan ito ay iminomodelo niya ang mga kasangkapan na ginagawa nito tulad ng mga silya at kama. Ang kanyang ina ay kumakanta rin at sinabi niyang mas magaling ito sa kanya. May aso siya na ipinangalan niya sa kanyang ina. Ang kanyang lola ang number one critic niya.
Malaki ang naitulong ng pagdating ni Natalia para mabigyan ng interes ang TV viewers na panoorin ang Monica Brava, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng gabi, GMA .
Nanalo si Ryan para sa kanyang orihinal na komposisyon na "Misa 2001", a dance presentation choreographed by Douglas Nierras. Kasama niyang nanalo ng second prize ang isa pang kompositor na si Christopher Lyndon-Gee ng United Kingdom. Walang nanalo ng first prize. Tinalo ni Ryan ang 46 na entries mula sa 24 na bansa.
Sa isang faxed letter mula kay Barbara Charamis, administrative secretary ng Onassis International Prizes Committee, nabatid ni Ryan ang kanyang victory.
Ang award ceremony ay magaganap sa Athens, Greece sa Nobyembre 27, 2001.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended