Van Damme sa co-prod movie nina Jacky Woo, Solar
July 8, 2001 | 12:00am
Nagustuhan ng actor-producer na si Jacky Woo ang pamamalagi sa ating bansa dahil sa ganda ng mga tanawin at kabaitan ng mga Pinoy. Katunayan ay may kasunod na agad ang kanyang unang pelikula. Ito’y ang Dudurugin Ko Pati Buto Mo (Dancing Master) kung saan maganda ang casting na kinabibilangan nina Aya Medel, John Regala at Allona Amor. Magkatulong na ididirek ang movie nina Jacky at Jerry Tirazona.
Marami pang pelikula ang gustong iprodyus ng Jacky Chan ng Japan kung saan balak niyang maging kasosyo si Wilson Tieng ng Solar Films para makuha ang serbisyo ni Jean Claude Van Damme. Gagawa ng pelikulang aksyon ang banyagang aktor at si Jacky. Kaibigan naman ni Wilson si Van Damme kaya puwede niya itong makuha basta’t maganda lang ang magiging talent fee nito.
Excited na ang Japanese actor sa Dudurugin Ko... dahil maraming umaatikabong aksyon ang mapapanood sa movie. Hanga ito sa kasipagan ng mga Pinoy at propesyonalismo ng mga artista kaya gusto pa niyang manatili nang matagal sa bansa para makagawa ng maraming pelikula.
Ang Dudurugin Ko Pati Buto Mo ay line prodyus ni Tony Ramos under True Colors Productions.
Tinanong si Judy Ann Santos sa presscon ng Mahal Kita. . . Kahit Sino Ka Pa ng MMG Films kung hindi ba siya nainis na hindi naituloy ni Mikey ang panliligaw sa kanya.
"Nagtataka nga ako kung bakit tuwing may pelikula akong ginagawa ay lagi na lang nilalagyan ng anggulong nagkakamabutihan kami ng aking leading man. Ayaw kong maakusahan na nanggagamit ako. Mas maganda kung magiging magkaibigan na lang kami ni Mikey. Ang pagtatanggi ko sa kanya ay bilang kaibigan lang at sana’y manatili na lang ang aming friendship."
Samantala, nang nararamdaman ni Mikey Macapagal Arroyo na wala siyang pag-asa kay Judy Ann Santos kaya inihinto na nito ang pagpapadala ng roses sa kanya.
Nang tanungin ko kung may special treatment ba na ibinibigay sa kanya ang mga prodyuser ngayong presidential son na ito ay bigla siyang nag-react "Tita, walang special treatment akong natatanggap. Kung mayroon man ay idi-discourage ko ito dahil wala pa ring nababago sa aking pag-uugali. Yon nga lang talagang kuripot ako pero never na naging mayabang," aniya.
Nasa planning stage pa ang pagkakaroon nito ng sariling TV show titled Guhit ng Buhay sa direksyon ni Willy Milan. Nais din ni Mikey na tumulong sa mga problema ng film industry gaya ng pagsugpo sa anti-film piracy at pagkakaroon ng tax incentives ng mga prodyuser.
Si Yam Ledesma ang umawit ng theme song ng Mahal Kita. . . Kahit Sino Ka Pa bukod pa sa pagiging artista sa pelikula. Ayon kay Yam, maganda ngayon ang takbo ng kanyang singing and movie career. Abala siya sa promosyon ng kanyang self-titled album sa iba’t-ibang panig ng lalawigan gayundin ang mall tour.
Ano ang masasabi niya ngayong kasama niya ang young superstar na si Juday at presidential son? "Mababait silang dalawa at propesyonal kaya enjoy kami sa syuting. Higit sa lahat humble si Juday kahit sikat na sikat siya gayundin si Mikey kahit anak siya ng presidente. Nagkaroon kami ng bonding bilang magkakaibigan kaya nalungkot ako nang matapos na ang aming syuting," ani Yam.
Marami pang pelikula ang gustong iprodyus ng Jacky Chan ng Japan kung saan balak niyang maging kasosyo si Wilson Tieng ng Solar Films para makuha ang serbisyo ni Jean Claude Van Damme. Gagawa ng pelikulang aksyon ang banyagang aktor at si Jacky. Kaibigan naman ni Wilson si Van Damme kaya puwede niya itong makuha basta’t maganda lang ang magiging talent fee nito.
Excited na ang Japanese actor sa Dudurugin Ko... dahil maraming umaatikabong aksyon ang mapapanood sa movie. Hanga ito sa kasipagan ng mga Pinoy at propesyonalismo ng mga artista kaya gusto pa niyang manatili nang matagal sa bansa para makagawa ng maraming pelikula.
Ang Dudurugin Ko Pati Buto Mo ay line prodyus ni Tony Ramos under True Colors Productions.
"Nagtataka nga ako kung bakit tuwing may pelikula akong ginagawa ay lagi na lang nilalagyan ng anggulong nagkakamabutihan kami ng aking leading man. Ayaw kong maakusahan na nanggagamit ako. Mas maganda kung magiging magkaibigan na lang kami ni Mikey. Ang pagtatanggi ko sa kanya ay bilang kaibigan lang at sana’y manatili na lang ang aming friendship."
Samantala, nang nararamdaman ni Mikey Macapagal Arroyo na wala siyang pag-asa kay Judy Ann Santos kaya inihinto na nito ang pagpapadala ng roses sa kanya.
Nang tanungin ko kung may special treatment ba na ibinibigay sa kanya ang mga prodyuser ngayong presidential son na ito ay bigla siyang nag-react "Tita, walang special treatment akong natatanggap. Kung mayroon man ay idi-discourage ko ito dahil wala pa ring nababago sa aking pag-uugali. Yon nga lang talagang kuripot ako pero never na naging mayabang," aniya.
Nasa planning stage pa ang pagkakaroon nito ng sariling TV show titled Guhit ng Buhay sa direksyon ni Willy Milan. Nais din ni Mikey na tumulong sa mga problema ng film industry gaya ng pagsugpo sa anti-film piracy at pagkakaroon ng tax incentives ng mga prodyuser.
Ano ang masasabi niya ngayong kasama niya ang young superstar na si Juday at presidential son? "Mababait silang dalawa at propesyonal kaya enjoy kami sa syuting. Higit sa lahat humble si Juday kahit sikat na sikat siya gayundin si Mikey kahit anak siya ng presidente. Nagkaroon kami ng bonding bilang magkakaibigan kaya nalungkot ako nang matapos na ang aming syuting," ani Yam.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended