^

PSN Showbiz

Mother Lily, may malasakit sa industriya

-
Kahit hindi naman talaga napakasigla ng movie industry sa kasalukuyan at ang mga inaasahang magiging malakas sa takilya na mga pelikula gaya ng Buhay Kamao at Luv Text ay sinasabing mga mild hits lamang, patuloy pa rin siyempre ang pagpo-produce ng mga pelikulang Tagalog. Si Mother Lily Monteverde ay isa sa mga taong masasabing may tunay na pagmamalasakit sa local movie industry dahil kahit may iba siyang pinagkakaabalahang mga bagay, hindi pa rin siya nawawalan ng panahon sa paggawa at pagpo-produce ng mga pelikulang Tagalog kahit mga small budget films lamang ang mga ito. Umaasa siyang kahit papaano kapag nagsawa na ang mga local audiences sa mga foreign movies ay mayroon naman silang babalikang mga pelikulang Tagalog.

Natsismis noon na magsasara na umano ang Regal Films dahil hindi pumatok ang kanilang kumbaga ay experimental project na mga pito-pito movies at hindi naman gaanong kalakasan ang iba pa nilang sumunod na mga pelikula. Nagkaroon pa nga ng impression ang audience na basta Regal movie ay classified as pito-pito o madalian ang produksyon kahit hindi naman at malalaking artista rin ang nagsisiganap. Ngunit hindi pa rin nawawalan ng interes sa pagpo-produce si Mother Lily at sinabi nga niya noon nang tanungin kung totoong magsasara na siya ng production outfit na "Why should I? I love doing movies."

Ngayong panahong ito ay sunud-sunod ang mga small-budget productions ng Regal at halos linggu-linggo ay may ipinalalabas siyang pelikula. Palabas na sa mga sinehan ngayon ang pelikulang Onsehan na pinagbibidahan nina Carlos Morales at Maricar de Mesa. Ito ay sa direksyon ng batikang entertainment editor turned movie director na si Eugene Asis. Ang pelikulang ito ay isang sexy action movie at kakaiba ang tambalang Maricar-Carlos.

Ang binibigyan ng magagandang breaks at pinagtutuunan ng pansin ngayon ng Regal ay si Carlos Morales. Naniniwala ang Regal people na may potensyal si Carlos na maging isang malaking pangalan sa pelikula dahil maganda ang kanyang naging performance sa pelikulang Laro sa Baga. Sa katunayan ay nagkamit pa nga siya ng best actor award at ilang nominasyon sa iba’t-ibang award-giving bodies. Mahusay umarte si Carlos at idagdag pa nga rito na siya ay may magandang pangangatawan na nababagay sa aksyon o sa mga sexy movies man.

Sa pelikulang Onsehan, gumaganap si Carlos bilang isang miyembro ng sindikatong sangkot sa malakihang nakawan ng mga alahas at nag-iisip na siyang kumawala sa grupo. Kakaiba ang kanyang papel sa pelikula dahil mayroon din siyang kakambal dito na isang pulis naman. Mahirap umano para kay Carlos ang kanyang pagganap sa pelikula pero iyon nga ang nagsilbing challenge para sa kanya dahil mas masarap umanong gawin iyong mga mahihirap na papel.

Kasama rin sa pelikulang ito sina Ricardo Cepeda, John Apacible at Edgar Mande at ipinakikilala ang dalawang baguhang kabataang babae na sina Jo Ann Miller at Lindsay Kennedy.

Isa sa mga big Hollywood productions na kinunan dito sa Pilipinas ay ang pelikulang Apocalypse Now noong mga late 70s. Kinuha pa nga raw para mapabilang sa cast si Elizabeth Oropesa at nag-shooting pa ito sa may Laguna. Ngunit nang maipalabas na ang final cut ng pelikula ay hindi siya ang nakita sa kanyang ginampanang role kundi si Gigi Duenas. Pero siyempre binayaran siya ng kanyang talent fee.

Ngayon ay ipapalabas muli ang nasabing pelikula in its complete version. Isasama na iyong mga edited out na mga eksena at ngayon ay kasali na sa pelikula si Harrison Ford na hindi naman napanood noong unang ipinalabas ang pelikula. Ang Apocalypse Now Redux ay ipapalabas ngayon sa producers cut nito. Ewan lamang kung makikita na natin si Elizabeth Oropesa sa version na ito.
*****
Email: [email protected]

APOCALYPSE NOW

CARLOS MORALES

ELIZABETH OROPESA

PELIKULA

PELIKULANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with