^

PSN Showbiz

Osang di satisfied kay Diether!

-
Iniintriga ngayon sina Rosanna Roces at Diether Ocampo. Mabuti na lang at naagapan ito bago pa lumalala ang nagbabadyang away sa kanila.

As we all know by now, lumabas sa isang pahayagan na ‘di raw satisfied si Rosanna sa acting ni Diether sa pelikula nilang La Vida Rosa. Kailangan daw mag-reshoot at ito raw ang dahilan kung bakit ‘di ito maipalabas.

Nagpaliwanag na si Rosanna sa kanyang programang Startalk, at dito na nga ay nagkaroon siya ng chance na sabihin na wala siyang karapatang kumuwestiyon ng acting ng kahit sino.

"Narito ako sa business para magtrabaho at magkapera, ‘di para maging kritiko o manlait ng acting ng iba!" diretsahang sabi nga ni Ms. Roces.

Na-upset nga raw nang husto ang tinaguriang Bold Queen nang mabasa niya ang write-up kung saan minemenos nga raw niya ang kakayahan ni Diether sa pag-arte. At ang feeling nga niya ay nagagamit lang siya para mai-promote ang iniindorsong pizza ng kanyang bagong leading man.

Anyway, it’s Diether turn to explain and give his side.

"Nakakahiya sa kanya. I know her feeling towards the issue and It’s really unfair for her. And I can’t do anything kundi ang ipagtanggol din siya." Pauna na ni Diether when we got the chance to talk with him.

"First and foremost, matagal na naming tapos ang movie nung March pa. Ready for showing na ang movie pero hinahanapan pa ng magandang playdate. Kaya huwag naman sana kaming pangunahan ng intriga.

"Hindi pa nga kami nakakapagsimula ng promo, pero nand’yan na agad ang intriga. Ngayon pa rin lang nagsisimula ang friendship namin ni Osang kaya huwag naman sanang sirain agad.

"And with regards to my acting, alam ko naman sa sarili ko na ‘di pa ako gano’n kagaling. Alam ko naman na may kulang pa rin. Pero sabi nga, there’s always a room for improvement, ‘di ba?" pagpapatuloy pa ng ipinagmamalaking Hunk ng ABS-CBN.(Ulat ni Robert Perez)

vuukle comment

BOLD QUEEN

DIETHER OCAMPO

LA VIDA ROSA

MS. ROCES

ROBERT PEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with