^

PSN Showbiz

Aga, di pabor sa pag-aartista ng anak

-
Nasalubong namin si Marvin Agustin sa isang furniture store sa Megamall na namimili ng sofa para sa nabili niyang condominium sa Wack-Wack.

Solo lang siyang namimili at siya mismo ang nag-decorate - hindi siya nag-hire ng interior decorator para ayusin ang bagong unit niya.

Isang maid at isang driver lang ang kasama niya. Kaka-transfer lang ng actor at hindi pa fully furnished ang unit niya.

Anyway, iwas-to-death siya nang tanungin namin siya about her rumored girlfriend na umano’y mas older sa kanya. "Who told you that," react ni Marvin.
*****
Hindi pala favor si Aga Muhlach na mag-artista ang anak niyang si Iggy Boy. "Gusto ko sanang tapusin muna niya ang eskuwela niya," Aga says after the presscon of Pangako, Ikaw Lang opposite Regine Velasquez. Si Iggy Boy ay kasama na sa bagong Ang TV ng ABS-CBN. Aside from Ang TV, mapapanood din siya sa iba pang show ng ABS-CBN.

Third year high school pa lang si Iggy Boy sa Southville International School.

Anyway, going back to Aga, sinabi rin niya na willing siyang tumanggap ng position sa Malacañang. "Anytime basta walang halong pulitika, tatanggapin ko ang offer," he reacts sa balitang kukunin siya ng Arroyo administration para maging representative ng pamahalaan sa mga proyekto para sa maralitang mamamayan. "May mga pasabi lang, pero wala pa naman talagang formal offer," he says.

Aga also confirms na made in Jamaica ang twins nila ni Charlene. Last December kasi ay magkasama silang nagpunta ng Jamaica - sinamahan niya si Charlene na nag-abay sa kanyang bestfriend doon.

Hindi hirap sa pagbubuntis ang actress ayon kay Aga dahil siya ang naglilihi for his wife. "Kain ako nang kain. Saka maaga pa lang, inaantok na ako. By 6:00 a.m, gising na ako, kasi 8:00 p.m. nasa kuwarto na kami, nanonood ng TV," he avers.

May mga adjustments si Aga ngayong may asawa na siya. Wala na siyang nightlife at pina-renovate na rin ang bahay niya. Pinagawan niya ng sariling dressing room si Charlene.

At hindi pa man nanganganak si Charlene, marami ng offer na commercial ang kanilang magiging anak. "As much as possible ayoko silang mag-artista. Saka hindi natin alam kung by the time na malaki-laki na ang mga anak namin, may showbiz pa. Kasi kung hindi magbabago ang takbo ng gobyerno o ng ekonomiya natin, wala ring mangyayari sa industriya ng pelikula.

"Kasi hindi lang isang tao ang dapat magbago, dapat lahat ng sektor ng bansa, mag-cooperate para maging maayos ang takbo ng buong bansa," he laments.

Pero okey kay Aga na mag-showbiz si Charlene after she gave birth. In fact, kahit ngayon nga ay okey pa rin na mag-host si Charlene ng Keep On Dancing. "Hindi na naman siya sumasayaw, nagho-host na lang. Kung kelan i-advice ng doctor na magpahinga siya, that’s the time na titigil siya sa KOD," he says.

Bago manganak si Charlene, tatapusin muna nila ang Pagdating Ng Panahon - first movie nila under Viva Films. "One month lang namin gagawin ‘yun, so by August baka, mapalabas na."

At any rate, Pangako, Ikaw Lang is another feel-good romance-comedy-drama which divert’s people’s attention mula sa problemang pang-araw-araw.

"It’s always a pleasure to be working with Aga and Regine," says direk Joyce Bernal na director din nila sa Dahil May Isang Ikaw. "Aga and Regine are feel-good kind of persons and actors, so they need a feel-good kind of story," sabi naman ni Mel del Rosario, story-scriptwriter ng pelikula.

Aside from Aga and Regine, also in the movie are Robert Arevalo, Bobby Andrews, Evangeline Pascual, Bojo Molina, Sherilyn Reyes, Charlie Davao and introducing Ricci Ocampo with the special participation of Rufa Mae Quinto and Jaya.
*****
Finally, mapapanood na ang directorial debut ni Eugene Asis, isang entertainment editor - Onsehan starring Carlos Morales and Maricar de Mesa. Eugene is a welcome addition to the world of movie directing.

"Mas gusto kong bigyan ng focus ang kuwento ng movie," Eugene says na ang initial exposure ay sa action movie. "Gusto ko ring mag-concentrate sa bawat character ng pelikula. How these characters develop as the story goes on towards the finale. Yun kasi, sa paniwala ko ang pinaka-importanteng aspeto ng pelikula. ‘Yung kuwento. Pag maganda ang kuwento, the execution of the scenes follow. Dun magiging exciting pag maganda ang pagkaka-connect at pagkaka-combine ng two major aspect na sinabi ko," he explains sa isang press statement.

In the movie, Carlos plays Richie, isang cocky underworld jewel thief entertaining thoughts na iwan ang ganitong trabaho.

"Actually, I’m playing dual role in the movie. May kakambal ako sa story. Magkaiba ang ugali namin. One’s a bigtime jewel thief who works for the underworld; the other one is a law enforcer. First time para sa akin ang ganitong role. Mahirap gawin. But that’s what drew me to the project. Mas masarap gawin ‘yung mahihirap na role," Carlos says.

"Carlos is ripe for the sex-action genre. Hinog na. He’s a very exciting young actor who sees each film assignment as a fresh challenge to his career kaya makikita mo sa kanya yung eagerness na subukan ang kahit na anong papel," Eugene expresses.

Onsehan
is set to kick-off in Metro Manila theaters very soon.
*****
Email: [email protected] / [email protected]

AGA

AGA AND REGINE

CHARLENE

LANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with