^

PSN Showbiz

Ang karisma ni Leo

-
Tumatak sa isipan ng mga tao ang karakter niyang si Congressman Manhik Manaog nang agawin sa pelikula’t telebisyon si Leo Martinez sa teatro. Kaya naman mula noon hanggang ngayon, tanggap pa rin ng mga tao ang karakter na ’yan.

Subalit hindi lang ang karakter na ’yon ni Leo ang kaya niyang ipakita sa mga tao. Ngayon nga ay humahataw ang Ponkan commercial niya bilang Uncle Leo ng mga tao. Dahil sa pagiging klik ng karakter niyang ’yon, nagbabalak ang isang major movie company na gawan siya ng pelikula bilang Uncle Leo.

Maging sa dalawa niyang TV shows, ang Ispup sa Channel 5 at Idol Ko Si Kap sa Channel 7 ay ibang karakter din ang kanyang ipinamamalas sa bawat episode ng programa.

Pero pagdating sa page-endorso niya ng bagong programa ng Social Security System, damang-dama ang kaibahan ng karakter niyang nakikita. Sa Flexi-Fund campaign na ito ng SSS, ang popularidad ni Leo ang inaasahang makakatulong upang tumaas ang remittances ng kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa.

Bilang artist naman, nakahanda nang ilabas ni Leo ang pet project niyang Book on Monologues ditto. Dahil sa idea niyang ito, isang producer ang interesadong subukan niyang gawin ni Leo sa stage at saka ilalabas ang libro. Kapag maganda ang resulta, dream ni Leo na gawin ito sa telebisyon.

Ang isa pa niyang proyekto ay ang Pride campaign niya. Ayon sa kanya, sa halip na problema sa ating bansa ang lagi na lang pinag-uusapan, bakit hindi ’yung mga bagay at tanawin sa ating bansa ang ipagmalaki?

Sa rami ng karakter na kayang gawin ni Leo at ang mga projects na gusto niyang maipatupad, walang balak si Leo na pasukin ang pulitika.

CONGRESSMAN MANHIK MANAOG

DAHIL

IDOL KO SI KAP

KARAKTER

LEO

NIYANG

UNCLE LEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with