Sunshine, gigil na gigil pa rin kay Cesar
June 26, 2001 | 12:00am
Nakakwentuhan namin si Cesar Montano during the launching of Hanford underwear. Sinabi niyang hanggang ngayon ay gigil na gigil pa rin sa kanya ang asawa kahit limang buwan na ang dinadala nito sa sinapupunan. "Nagtataka nga ako kung bakit pinanggigigilan niya ang mukha ko. Ako nga hindi natutuwa sa mukha ko. Kapag gutom siya ay mainit ang ulo kaya tinitiyak ko na lagi siyang busog. Naiintindihan ko ang kanyang mood. Minsan ay bigla na lang akong pababalikin ng bahay kahit malapit na ako sa location ng syuting ko. Minsan naman ay biglang kukunin ang aking cellphone. Pero hindi totoo ang balitang sinugod niya (Sunshine) si Jo Canonizado sa set ng aming ginagawang pelikula dahil sa pagseselos," aniya.
Ayon pa kay Buboy ay babae ang magiging anak nila na papangalanan nilang Angelina Isabelle dahil mahilig siya sa angel. Angelo at Angela ang pangalan ng kanyang mga anak.
First time ng action star na mag-endorse ng produkto (Hanford), at ninong nila ni Sunshine ang may-ari nito kung saan naunang naging endorser ng Hartman ang kanyang asawa.
Two days pa ang syuting ng Ang Mananabas at may gagawin pa siyang pelikula sa Star Cinema at Solar Films.
Gandang-ganda kami kay Sunshine Cruz nang makita namin kamakailan. Kahit buntis siya ay tuloy pa rin ang kanyang trabaho bilang singer kung saan tumulak sila ni Cesar patungong New York noong Sabado.
Natutuwa nga si Shine dahil babae ang kanilang magiging first baby at baka maglay-low muna siya sa showbiz dahil gusto niyang mabigyan ng higit na pag-aasikaso ang kanilang baby.
Kahit naiiwan sa bahay ang magandang aktres ngayong nasa interesting stage ay hindi naman siya naiinip dahil maaasahan siya sa pag-aayos ng bahay lalo na ang pag-aayos ng kanilang damit sa cabinet. Mas gusto pa nga ni Sunshine na mamalagi na lang sa bahay kaysa dumalo sa mga showbiz happening.
Speaking of Cesar, si Bryan Homecillo ang gumanap na anak nila ni Amy Austria sa pelikulang May Isang Buwan, isang Mindanao project na ididirek ni Marilou Diaz-Abaya. Magaling na artista ang bata kaya hindi ito nababakante sa pelikula at telebisyon.
Bukod sa pagiging mainstay ng Munting Paraiso bilang anak ni Agot Isidro ay kasama na rin siya sa pagbabalik ng Ang TV at semi-regular din sa Click ng Syete. Kasama siya sa Larawan kung saan featured artist si Dingdong Dantes. Gagampanan niya ang papel na cancer patient na anak ni Michael de Mesa. In-born ang talent ng bata kung saan bukod sa galing umarte ay magaling pa rin itong sumayaw at umawit.
Mahiyain ang aking asawang si Doods kaya nang palarin akong manalo bilang second-runner up sa Ginang Parokya (Caloocan) ay naging problema ang aking konsorte. Mahiyain din ang aking kapatid na si Ed kaya nagmagandang loob ang aking kaibigang si Arthur Quinto na kunin si Juan Rodrigo. Nang ma-late ito dahil sa traffic ay kinantahan na lang niya kami at nang dumating si Ronald Gan na anak-anakan ko ay nag-stay siya hanggang sa matapos ang koronasyon. Nakakataba ng puso nang maringgan ko ito "Tita kahit may commitment ako, ikaw pa rin ang prioridad ko dahil sa dami ng naitulong mo sa akin," sabi ni Ronald.
Iba ang feeling ko dahil kung kailan pa ako nagka-edad ay saka ko naramdaman na makoronahan, sumakay sa karosa at mabigyan ng importansya ng malalapit na kaibigan sa showbiz. Ngayon ko natutunan ang kahalagahan ng pakikisama dahil hindi ako pinabayaan ng mga kaibigan kong artista gaya nina Ara Mina, Jolina Magdangal, Angelika dela Cruz, Janna Victoria, Beth Tamayo, Ogie Alcasid at pamilya ko sa Pilipino Star sa pangunguna ni Al Pedroche, Weng del Prado, Vero Samio, Rose Monsura at marami pang iba.
Naging sponsor ko ang Solar Films, MMG Records, Rey Salac, Emma Cordero, mga hosts ng Lunch Break at siyempre ang tumulong para pagandahin ang karosang sinasakyan ko sa pangunguna ni Sister Violy ng Mother Butlers Guild at ng mag-asawang sina Eugene at Marivic Go na siyang hermano mayor sa kapistahan ng Sacred Heart of Jesus.
Salamat sa inyong lahat!
Ayon pa kay Buboy ay babae ang magiging anak nila na papangalanan nilang Angelina Isabelle dahil mahilig siya sa angel. Angelo at Angela ang pangalan ng kanyang mga anak.
First time ng action star na mag-endorse ng produkto (Hanford), at ninong nila ni Sunshine ang may-ari nito kung saan naunang naging endorser ng Hartman ang kanyang asawa.
Two days pa ang syuting ng Ang Mananabas at may gagawin pa siyang pelikula sa Star Cinema at Solar Films.
Natutuwa nga si Shine dahil babae ang kanilang magiging first baby at baka maglay-low muna siya sa showbiz dahil gusto niyang mabigyan ng higit na pag-aasikaso ang kanilang baby.
Kahit naiiwan sa bahay ang magandang aktres ngayong nasa interesting stage ay hindi naman siya naiinip dahil maaasahan siya sa pag-aayos ng bahay lalo na ang pag-aayos ng kanilang damit sa cabinet. Mas gusto pa nga ni Sunshine na mamalagi na lang sa bahay kaysa dumalo sa mga showbiz happening.
Bukod sa pagiging mainstay ng Munting Paraiso bilang anak ni Agot Isidro ay kasama na rin siya sa pagbabalik ng Ang TV at semi-regular din sa Click ng Syete. Kasama siya sa Larawan kung saan featured artist si Dingdong Dantes. Gagampanan niya ang papel na cancer patient na anak ni Michael de Mesa. In-born ang talent ng bata kung saan bukod sa galing umarte ay magaling pa rin itong sumayaw at umawit.
Iba ang feeling ko dahil kung kailan pa ako nagka-edad ay saka ko naramdaman na makoronahan, sumakay sa karosa at mabigyan ng importansya ng malalapit na kaibigan sa showbiz. Ngayon ko natutunan ang kahalagahan ng pakikisama dahil hindi ako pinabayaan ng mga kaibigan kong artista gaya nina Ara Mina, Jolina Magdangal, Angelika dela Cruz, Janna Victoria, Beth Tamayo, Ogie Alcasid at pamilya ko sa Pilipino Star sa pangunguna ni Al Pedroche, Weng del Prado, Vero Samio, Rose Monsura at marami pang iba.
Naging sponsor ko ang Solar Films, MMG Records, Rey Salac, Emma Cordero, mga hosts ng Lunch Break at siyempre ang tumulong para pagandahin ang karosang sinasakyan ko sa pangunguna ni Sister Violy ng Mother Butlers Guild at ng mag-asawang sina Eugene at Marivic Go na siyang hermano mayor sa kapistahan ng Sacred Heart of Jesus.
Salamat sa inyong lahat!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended