^

PSN Showbiz

KC, may go signal na kay Mega

-
Urung-sulong pa rin si Megastar Sharon Cuneta kung pag-aartistahin niya ang kanyang panganay na si KC Concepcion. Pero kahit ayaw ni Sharon, mukhang malapit na rin siyang mahilo lalo pa’t pinayagan na niya si KC sa isang stage play at maging image model ng isang clothing line.

"Kung ako ang tatanungin, ayaw ko. Pero kung gusto naman ng bata, hindi naman ako magmamaramot. Pumayag lang ako doon sa play dahil alam kong malaki ang magagawa nito kay KC. Iba kasi ang theater. Iba ang disiplina ron," pahayag ni Ms. Cuneta.

Tungkol naman sa pagiging product endorser ni KC na sabi’y binayaran ng cool five million pesos daw ang naging talent fee ni KC, ano nga ba ang totoo?

"Matagal ko nang sinasabi na okey lang sa akin si KC sa commercial or print ads. Iba ang pelikula, napakatindi ng pressures!

"And with regards sa TF ng bata, huwag na lang nating pag-usapan ’yon. Basta maganda ang naging bayad sa kanya. Marami nga ang nagsasabi na dapat kumuha raw ako ng komisyon!

Aminado naman si Sharon na sa mura niyang edad ay nabuntis at nakapag-asawa kaagad siya. At ito raw ang ayaw niyang mangyari sa kanyang unica hija.

"Dahil din ’yan sa loveteam at doon ako natatakot na magkaroon ng ka-loveteam si KC. Alam n’yo naman siguro ang nangyari sa akin. Pero pasalamat din naman ako dahil wala sana ngayon si KC, ’di ba?" sabi ng aktres.

Sixteen years old na si KC at para kay Sharon, nakababatang kapatid lang ang turing niya rito. Patunay lang ito kung gaano sila ka-close na mag-ina. (Ulat ni Robert Perez)

AKO

ALAM

MS. CUNETA

PERO

ROBERT PEREZ

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with