^

PSN Showbiz

Palaban pa rin si Rita M.

-
Ipinangako ng nagbabalik sa sirkulasyon na si Rita Magdalena na mas lalo niyang pagbubutihin at pagagandahin ang kanyang movie career.

Ayon sa La Primera Bombera, hindi siya papayag na malampasan siya ng mga bagong hubadera sa ngayon. Malaki raw ang paniniwala niyang maibabalik niya ang dati niyang kinalalagyan.

"Hindi naman talaga ako nawala," aniya. "Kumbaga, nagpahinga lang ako ng konti. Inaamin kong nabawasan yung popularidad ko pero nandito pa rin naman ako," dagdag pa niya.

Abala si Rita ngayon sa mga guestings sa TV at dalawang pelikula na ang natapos niya. May pelikula siya with Raymond Bagatsing na kung saan siya ang leading lady at nakapila pa rin ang pelikula niyang Amorseko, Damong Ligaw ng Leo Films. May balita rin na may gagawin siya sa World Arts Cinema at El Niño Films.

Speaking of Amorseko, Damong Ligaw, may balitang inapi siya sa billing ng pelikula.

"Alam ko, nasa unahan ang pangalan ko pero kung totoo mang inapi ako sa billing, siyempre masakit sa part ko iyon. At saka, ginawa ko naman ang lahat sa pelikula. Sana hindi totoo," pakli pa ng maganda at sexy pa ring si Rita Magdalena. (Ulat ni Rodel Fernando)

vuukle comment

AMORSEKO

DAMONG LIGAW

EL NI

LA PRIMERA BOMBERA

LEO FILMS

RAYMOND BAGATSING

RITA MAGDALENA

RODEL FERNANDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with