^

PSN Showbiz

Allona Amor, kontrabida

-
Marami nga sigurong dapat ipagpasalamat si Allona Amor, female lead ng ngayon ay ipinalalabas pa ring Kasibulan. "Sa kabila ng mahina talaga ang mga lokal na pelikula ngayon, hindi naman natalo ang producer ko sa nasabing movie. Pinanood ang pelikula ko," kwento niya sa ibinigay niyang blowout sa press nung Huwebes ng gabi.

"Marami akong blessings. Mabait sa akin ang Panginoon. Marami akong mga katulad na sexy stars na hindi nabibigyan ng roles pero ako, simula nung January ay hindi nababakante. Tapos ko na ang Dudurugin Ko Pati Buto Mo para sa True Colors. Kontrabida ako rito ni Aya Medel, love interest ni John Regala. Ginagawa ko pa rin ang By Angels, inspired ng Charlie’s Angels with Beth Tamayo and a newcomer, Jaina Gomez.

"Flexible ako, pwede sa kahit anong role. Ang importante, may trabaho ako. Tumanggap ako ng kontrabida role sa Dudurugin.... Very challenging kahit hindi ako talagang evil dito, naughty lang. Nag-aaral din ako ng martial arts para maka-cope sa mga action scenes ko. Enjoy naman ako. Ibang experience yun kaysa nagtatanggal ako ng damit at nagkakaroon ng love scene," patuloy niya.

Nakatakda pa rin siyang gumawa ng movie opposite Jestoni Alarcon sa Regal Films titled Huli Sa Akto. Sina Jeffrey Santos, Raffy Anido, Sultan Amal ang mga co-stars niya sa Halik Sa Aking Lupa ng Taurus Films with Jett Esperitu on the helm. Taurus Films pa rin ang producer ng gagawin niyang Rosario, 18, Kalapating Putik. May offer din siyang movie para sa Metro Manila Film Festival.

At 21, kahit nagsisimula pa lamang ang buhay niyang personal, nakapag-establish na siya ng kanyang tamang kalalagyan sa kanyang career. "Nagbunga rin ang aking pagpupunyagi, ang pagiging bold star ko. Ngayon ang kailangan ko na lamang patunayan na pwede rin ako sa ibang roles. Marami pa rin naman ang nag-aalok," pagmamalaki ng aktres na bumibilang na ng limang taon bilang artista.

"Maswerte nga ako at kahit bold star ako ay nabigyan ako ng chance na gumawa ng ibang klase ng pelikula, ng action films. Siguro kung nag-stick ako sa bold, baka hindi ako makaipon ng pera at hindi ko mabili yung dream house ko.

"Ito talaga ang pangarap ko. Maski nga yung car ko kahit luma, hindi ko pinapalitan dahil nasi-serve naman nito ang aking purpose na makapunta sa aking places of work. Pag nakabili na ako ng bahay, saka ako mag-iipon ng pambili ng kotse," pagtatapos niya.
*****
Inamin ni Kaye Abad na isa siguro sa naging dahilan ng paghihiwalay nila ng landas ng kanyang naka-MU na si John Lloyd Cruz ay ang pagiging sobrang selosa niya.

"Makita ko lamang na may kausap siyang iba, nagseselos na agad ako. Kahit sa bakla, nagseselos ako," walang pangingimi niyang sabi.

Sa ngayon, walang lovelife si Kaye. "Gusto ko nga pero, walang nanliligaw eh," sabi niya na pinagtaasan ng kilay ng maraming press. Not only is she of age, napaka-ganda pa niya ngayon, isang kagandahan na hindi basta-basta maipagkikibit balikat ng kahit sinong lalaki. Lalo na si Danilo Barrios na inili-link sa kanya ngayon. O si Patrick Garcia who gifted her with a necklace nung birthday niya. Ito pa rin ang nagsuot ng kuwintas sa kanyang leeg. At si Paolo Contis. "He’s my bestfriend," dagdag pa niya.

Second time na niyang mag-portray ng prostitute. Una sa Maalaala Mo Kaya at ikalawa, dito sa Mila. Wala naman siyang isang particular na prostitute na ginagaya at kinukunan niya ng pointers for her role. "Dun sa Maalaala, may nakita ako pero, hindi ko nakausap. Natakot kasi ako dahil feel ko matapang sila, parang palaging naghahamon. Umasa na lamang ako kay direk Joel Lamangan. Minsan nga na-take three ako dahil hindi ko agad naibigay yung hinihinging emotion ng scene. Tinulungan naman ako ni Ms. Maricel. Sabi niya lagyan ko raw ng hurt look ang mukha ko. Hindi raw kasi yun nakikita sa face ko.

"Takot din ako kay Ms. Maricel nung una dahil balita yung katarayan niya pero, napaka-helpful niya, very supportive," sabi niya.

Sa mga roles na ginagampanan niya ngayon, posible na mabigyan siya ng offer na mag-sexy for her launching film pero buong katapatan niyang sinabi na "Hindi pa ako handa."

Sa kabila ng kanyang kaabalahan, pangarap niya na bumalik ng iskwela to finish her high school and continue college. "Pero gusto ko sa ibang school naman," sabi niya referring to ABS CBN’s Distance Learning Center. "Para iba naman ang makasama ko hindi yung kami-kami na naman," pagtatapos niya.

vuukle comment

AKO

MARAMI

MS. MARICEL

NAMAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with