^

PSN Showbiz

Pelikula, solusyon sa problema

-
Matumal daw sa takilya, on the average, ang mga pelikula–local or foreign–sa mga sinehan noong mga nakaraang buwan dahil abalang-abala ang ating audiences una na nga sa problema ni Erap at saka dumating pa ang Edsa Tres, sumunod ang kampanya at eleksyon, tapos ang problema ni Ate Glo sa Abu Sayyaf at iba’t-ibang negatibong kaganapan sa bansa. Natural lang na ito ang pagtuunan ng pansin ng ating lipunan. Pero anumang problema ay may katapat na solusyon at kalimitang kalutasan–kahit panandalian lamang–ay ang sinehan.

Humahataw sa box-office ang The Mummy Returns na according to its advertising ay naka-55 million na sa isang linggong showing at malakas din ang Pearl Harbor. Usap-usapan din na mas malakas pa nga raw ang low budget action movie ni Ace Vergel kaysa sa pelikula ni Cesar Montano na halos triple daw ang production cost. Tinatantiya na malakas ang pelikula ni Judy Ann Santos (Luv Text) at malakas din ang bagong release ni Robin Padilla (Buhay Kamao). Ang dalawang pelikulang ito diumano ang magbabalik ng sigla ng local movies.

Hindi naman nawawala ang interes ng mga tao sa pelikula batay sa box-office showing ng The Mummy, Pearl Harbor at maging ang The Replicant. Basta raw maganda ang pelikula, dudumugin ng tao. Ang The Mummy nga parang kulang sa promo hindi tulad ng Pearl Harbor pero sa tingin ko mas malakas ang naunang pelikulang nabanggit. Unang-una na nga ayon sa ilang critics, ang Pearl Harbor ay hindi masyadong makatotohanan ang paglalahad ng mga pangyayari sa Pearl Harbor, Hawaii. Ipinapakita kasi sa pelikulang ito ang iba’t-ibang kabayanihan ng mga Amerikano noong panahong salakayin ng mga Japanese airplanes ang Pearl Harbor at durugin ang kanilang fleet na ipinagmamalaki ng mga Kano na walang kasing powerful noong panahong iyon. Pero totally nawasak ng mga Hapones at napatotohanang hindi ganoon kalakas ang puwersang Amerikano. Sa Pearl Harbor ipinakita kung gaano nakabawi agad ang mga Kano, pero ayon sa history books, tatlong taon pa bago nakaganti at natalo ng U.S. ang puwersa ng Hapon sa Pacific. At ito ay nangyari sa pagpapasabog ng atomic bomb sa Japan.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ACE VERGEL

AMERIKANO

BUHAY KAMAO

CESAR MONTANO

PEARL HARBOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with