^

PSN Showbiz

Bernadette, buntis ba kaya madalian ang kasal kay Gary?

-
Ikinasal na sina Gary Estrada at Bernadette Allyson nu’ng June 16 sa Tiaong Quezon. Isang simpleng kasalan lang ang nangyari. Nagkaro’n ng mga konting problema pero sa kabuuan naging maayos din naman ang lahat.

"I want to ask an apology sa mga naging bisita namin kung hindi man namin siya na-entertain ni Gary, especially do’n sa mga press people who went there all the way from Manila. Hindi lang talaga naiwasang magkaro’n ng problema and I hope naintindihan nila ‘yon," simula niyang pahayag.

Bakit nga ba nagpasya kaagad siyang magpakasal pagkatapos nilang magkabalikan ni Gary?

"Wala lang, I guess it’s time for me to get married and settle down. Gusto ko na rin talaga. At saka nag-usap na kami ng seryosohan ni Gary about this. Nu’ng time na nagkabalikan kami, inaayos na namin lahat. Niyaya niya akong magpakasal and I said yes. Mahal ko rin naman ‘yung tao.

"I know medyo malaking sakripisyo ang mangyayari sa naging desisyon ko, but I’m ready. I wanna have kids na rin. Dito na rin naman ako papunta, eh. At saka, siguro we were really meant for each other kaya heto, kasal na kami ngayon," sabi pa niya.

Hindi kaya nagdadalang tao na siya kaya sila nagdesisyong magpakasal ni Gorio?

"Uy, hindi ha! Malabong mangyari ‘yon. Kung buntis naman ako malalaman n’yo rin. Hindi ko naman ‘yon itatago. Lalo pa ngayon, kasal na kami, kung talagang buntis ako, aaminin ko na ‘yon.

"Masaya ako sa naging desisyon ko. I know hindi ko naman ito pagsisihan kasi ginusto ko ito at ‘yung tao namang pinakasalan ko, eh, mahal ko talaga. Let’s just hope na lahat ng mga challenges ng buhay ay malampasan namin. In a married life kasi, ang daming problema diyan di ba? Pero with our constant communication, simula pa lang siguro ng problema, eh, mare-resolve na kaagad namin."

Ilang anak ba ang gusto nila kung saka-sakali? "I still don’t know. Gusto ata ni Gary, eh, marami, pero kung ako ang masusunod siguro hanggang tatlo o apat lang. Basta, bahala na," nakangiti niyang reaksyon. "Syempre, we’ll think of our children’s future, di ba? Mahirap din naman ‘yung masyadong maraming anak tapos di n’yo rin naman mabibigyan ng magandang future. Siguro, we’ll talk about that muna, I’m sure maiintindihan niya ang point ko," ends Bernadette. (Ulat ni Leo M. Bukas)

ARING

BERNADETTE ALLYSON

GARY ESTRADA

LEO M

NAMAN

TIAONG QUEZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with