KC, nilargahan na ni Sharon
June 17, 2001 | 12:00am
Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga dumalo at nag-participate sa Star Olympics, ang taunang palaro ng Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon kahapon sa Ultra partikular na kay Christopher de Leon na nagbigay inspirational talk. Pasasalamat din ang nais kong ipaabot sa iba pang nakiisa sa Star Olympics. Ganun din sa coordinator ng bawat team, sa mga marshall at sa lahat ng tumulong kahapon para maging masaya at makulay ang Star Olympics ngayong taon. Hindi pa tapos ang ating palaro. Magkita-kita uli tayo sa Sabado para sa championship.
Sa mga fans na hindi nakapunta ng ULTRA, abangan n’yo na lang sa Hunyo 23 , 30 at Hulyo 7, (tatlong Sabado) sa RPN-9 ang coverage nito.
Hindi lang ako ang humanga at nanibago sa ipinakitang galing ni Karylle kundi lahat ng nanood ng kanyang album launching nung Huwebes. Ibang-iba siya sa karaniwan niyang ginagawa sa SOP. Hindi ako nagkamali nung ipakilala ko siya kay Ms. Bella Tan ng Universal Records. Nagpapasalamat ako dahil naging bahagi ako ng kanyang singing career.
Kasama sa kanyang album ang duet nila ng international pop singer na si Gil. After two months ay mapapanood natin ang MTV na ginawa nina Karylle at Gil.
Sa pagsisimula ni Karylle sa kanyang singing career, hangad ko na maging succesful siya at ang kanyang new album.
Binabati ko ang bagong kasal na sina Gary Estrada at Bernadette Allyson. Nang minsang magkita kami ni Gary sinisisi ko siya dahil sabi ko, bakit niya itinapat ang kasal niya sa opening ng Star Olympics. Ini-expect ko pa naman na maglalaro siya.
Nagpunta naman sa nasabing kasalan ang aking sekretarya na si Carmelites in my behalf.
Bilang ninong n’yo, hangad ko na maging maligaya ang pagsisimula ng inyong pamilya. Sana hindi kayo magaya sa mga showbiz couples na nauuwi sa hiwalayan ang relasyon. Dalangin ko na maging matatag ang inyong pagsasama sa lahat ng oras at pagkakataon.
Pinayagan na ni Sharon Cuneta ang anak na si KC na pumasok sa showbiz.
Pero hindi sa pelikula kundi sa stage play na Little Mermaid. Si KC ang papalit kay Karylle sa nabanggit na musical play.
Siguro ay na-realize ni Shawie na hindi talaga puwedeng iwasan ng panganay niya ang showbiz kaya finally ay napapayag siya.
Kunsabagay mas maganda nga sa stageplay dahil live ang audience at madaling ma-appreciate ang performance ng isang gumaganap. Mas maganda rin ang training at disiplina ng mga stage artist.
Kulang tayo sa bagong talino sa showbiz kaya tamang-tama ang desisyon ni Sharon.
Ngayon, panahon na lang ang makakapagsasabi ng kanyang magiging kapalaran sa showbiz.
Sa mga fans na hindi nakapunta ng ULTRA, abangan n’yo na lang sa Hunyo 23 , 30 at Hulyo 7, (tatlong Sabado) sa RPN-9 ang coverage nito.
Kasama sa kanyang album ang duet nila ng international pop singer na si Gil. After two months ay mapapanood natin ang MTV na ginawa nina Karylle at Gil.
Sa pagsisimula ni Karylle sa kanyang singing career, hangad ko na maging succesful siya at ang kanyang new album.
Nagpunta naman sa nasabing kasalan ang aking sekretarya na si Carmelites in my behalf.
Bilang ninong n’yo, hangad ko na maging maligaya ang pagsisimula ng inyong pamilya. Sana hindi kayo magaya sa mga showbiz couples na nauuwi sa hiwalayan ang relasyon. Dalangin ko na maging matatag ang inyong pagsasama sa lahat ng oras at pagkakataon.
Pero hindi sa pelikula kundi sa stage play na Little Mermaid. Si KC ang papalit kay Karylle sa nabanggit na musical play.
Siguro ay na-realize ni Shawie na hindi talaga puwedeng iwasan ng panganay niya ang showbiz kaya finally ay napapayag siya.
Kunsabagay mas maganda nga sa stageplay dahil live ang audience at madaling ma-appreciate ang performance ng isang gumaganap. Mas maganda rin ang training at disiplina ng mga stage artist.
Kulang tayo sa bagong talino sa showbiz kaya tamang-tama ang desisyon ni Sharon.
Ngayon, panahon na lang ang makakapagsasabi ng kanyang magiging kapalaran sa showbiz.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended