^

PSN Showbiz

Galit na si Rica!

-
May kumakalat na position letter kung saan inaakusahan si Rica Peralejo na nagma-marijuana.

Ayon na rin sa mapanirang isyu, nahuli raw si Rica na nagma-marijuana sa isang dressing room ng TV station minsang guest siya sa isang show kasama ang ilan pang stars.

Bigla raw kumalat ang amoy ng marijuana sa loob ng nasabing dressing room at si Rica nga raw ang itinuturong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot?

"That’s foul! Alam kong marami talaga sa paligid ko ang gusto akong sirain. Alam kong nasa tabi-tabi lang sila para ibagsak ako. At gagawin talaga nila ang lahat to put me down!" nanggigigil na simula ni Ms. Peralejo.

"It’s true na grupo kami sa isang dressing room. Marami kami. Pero wala naman akong naamoy. At kung meron man na nag-marijuana nga, I would even know, pero wala naman, eh!

"Kaya please, tigilan na nila ang mga paninira at huwag na nila akong idamay pa sa mga kalokohan at kasinungalingan nila. ‘Pag sumobra na sila, ‘pag ‘di na ako nakapagpigil, humanda-handa na sila!

"Kilala ko kung sino ang mga gumagawa nang ganitong paninira sa akin. Alam kong marami pa silang iimbentuhin para sirain at ibagsak ako. Pinagbibigyan ko lang sila, pero huwag nilang hayaang mapuno na rin ako!" mariing pagbabanta na rin sa sweet-turned-sexy actress. (Ulat ni Robert Perez)

vuukle comment

ALAM

AYON

MS. PERALEJO

RICA

RICA PERALEJO

ROBERT PEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with