^

PSN Showbiz

Juday, tatapatan si Christopher

-
Feel na feel na nga ba ang lakas ng Who Wants to be a Millionaire ni Christopher de Leon kung kaya’t gusto na itong tapatan o kaya’y patayin ng mga kalaban sa ere?

Palabas ang Millionaire. . . sa Trese tatlong beses isang linggo, alas-8 ng gabi. Sa presscon ng bagong teleserye ni Judy Ann Santos ipinahayag na tatapatan niya ito.

Sa puso ni Juday, ayaw niyang mangyari ang tapatang ito. Nakawala tuloy ang pagkakataon na maging "tatay" niya si Boyet sa nasabing serye, dahil hindi naman syempre papayag si Boyet na tapatan ang sarili niyang tv show.

At katunayan ng bagong lakas na ipinakita ni Boyet sa kanyang Millionaire. .. ay ang pagdagdag ng araw dito. Posibleng maging apat na ito bago matapos ang buwan and in the long run ay maging Lunes hanggang Sabado na.

Unti-unti na ring natutuklasan ng mga televiewers at contestants ang daan tungo sa pagiging milyonaryo. Katunayan, parami na nang parami ang nananalo at pataas nang pataas ang kanilang nakukuhang premyo. Isang araw, bubulagta na lang marahil ang isang contestant sa labis na katuwaan pag natumbok na niya ang jackpot na P2M.

Mula sa Viva Television at ini-sponsor ng PLDT among others, puwedeng tumawag ang gustong maging milyonaryo sa 1-908-1000000.

vuukle comment

BOYET

ISANG

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

VIVA TELEVISION

WHO WANTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with