^

PSN Showbiz

Vilma, malamig kay Ralph?

-
Bago pa man ang May election, kumalat na ang balitang hiwalay na raw sina Lipa Mayor Vilma Santos at newly elected Senator Ralph Recto. Lalo pa itong pinagdudahan sa ‘‘malamig’’ na pagtulong daw ni Vilma sa kampanya ni Ralph. At lalo pang uminit ang usap-usapan nang ’di nakita si Vilma ni anino nito sa nakaraang proklamasyon ni Ralph.

Kaya naman ang lahat ay nagtatanong kung nagsasama pa ang dalawa o talagang hiwalay na sila. Talong-talo nga raw ni Sharon Cuneta si Vilma na all out ang support sa mister nitong si Kiko Pangilinan na nanalo rin sa Senado.

‘‘For once and for all, hindi po kami hiwalay ni Ralph. We’re still together. Our marriage is very much intact,’’ mariing paglilinaw ng tinaguriang Star For All Seasons.

‘‘I don’t know kung bakit pilit kaming pinaghihiwalay ni Ralph. Kung bakit pilit kaming ginagawan ng isyu. Mabuti na lang at sanay na tayo sa ganitong mga intriga, at kahit papa’no ay nasasanay na rin si Ralph.

‘‘Nu’ng time ng kampanya, alam ni Ralph na busy rin ako sa Lipa. Hindi rin naman niya ako pinipilit. At ayaw din naman niyang maakusahan na ginagamit lang ako sa kanyang campaign,’’ pagpapatuloy pa niya.

Ipinagtanggol din ni Vilma ang kanyang esposo sa akusasyong ‘dinuktor’’ nito ang mga boto kaya nakapasok sa magic 13 ng Senado.

‘‘Bago pa lang ang asawa ko. Sila ang matagal na kaya huwag nilang ipasa kay Ralph ang ginagawa nila. Alam kong ganito karumi sa pulitika, pero huwag nilang dungisan pa lalo,’’ pag-alma nga ni Mayor Vi para sa kanyang love.

Sa kabilang banda, ipinagtanggol din ni Ralph si Vilma at ang kanilang marriage. Aniya, handa raw niyang pakasalan ulit si Vilma sa lahat ng simbahan kahit 100 times pa.

Inaasahan naman ng lahat ang siguradong pagdalo ni Vilma sa nalalapit na oath taking ni Ralph bilang bagong senador ng bansa. – RP

ARING

KIKO PANGILINAN

LIPA MAYOR

MAYOR VI

RALPH

RALPH RECTO

VILMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with