^

PSN Showbiz

Rica, di na masaya sa Viva?

-
Hindi na raw masaya si Rica Peralejo sa Viva Films. At ito raw ang dahilan kung bakit hindi masyadong napagkikita ang dalaga sa promo ng latest movie niya with Robin Padilla.

Ayon sa isang source, masama ang loob ni Rica dahil parang inapi siya sa pelikula nila ni Robin. Hindi raw equal ang billing nila at sa trailer ng movie, si Robin lang ang ibinebenta.

Masakit daw para kay Rica ang pangyayari considering the fact na first movie team up nila ito ni Mr. Padilla. At mas maganda nga raw kung silang dalawa ang ibebenta ng patas.

Ayon pa rin sa aming nakausap, hindi raw masisisi si Rica kung mas gustuhin pa nito ang maglakwatsa’t gumimik na kasama ng kanyang rumored boyfriend na si Bernard Palanca.

Nagsisisi rin daw si Rica kung bakit sa Viva pa siya nagpakontrata gayong pila balde raw ang mga producers na kumukuha sa kanya buhat nang magpasya na siyang magpaseksi sa pelikula.

At ano nga ba ang totoo?

"Marami na rin ang nagtatanong sa akin kung bakit daw para akong naapi sa pelikula namin ni Robin unang-una nga raw sa billing. Sa akin kasi, desisyon nila yon eh! Hindi rin naman ako demanding at never na naging issue sa akin ang billing-billing na ganyan.

"Nakakahiya rin kay Robin. Baka ang isipin pa nung tao eh, masyado akong pa-star. Eh, hello naman! Kilala n’yo naman siguro ako, no! Wala sa vocabulary ko ang mag-feeling big star!

"Huwag na rin kaming gawan pa ng isyu ng Viva and please, huwag na ring idamay pa si Bernard. Nananahimik po ’yung tao para masali pa. Wala rin po akong boyfriend sa ngayon!" ang sunud-sunod na paglilinaw ni Ms. Peralejo. — Robet Perez

vuukle comment

AYON

BERNARD PALANCA

MR. PADILLA

MS. PERALEJO

RAW

RICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with