^

PSN Showbiz

Cheng, nakikipag-reconcile na sa manager ni Aga

-
Hindi pa iiwan ni Charlene Gonzales ang Keep On Dancing kahit 3 1/2 months na siyang preggy. You read it right folks, sasayaw pa rin si Mrs. Aga Muhlach dahil kaya pa naman ng aktres pero hindi na puwede ‘yung mga dati niyang ginagawa na inihahagis sa ere or splits. Mga simpleng dance steps na lang ang gagawin niya. Hanggang July pa siya sa show - by that time five months na ang tummy ni Charlene.

Mahirap pantayan si Charlene as host and dance empress dahil if we remember it right kinon-ceptualize ng ABS-CBN ang show for Charlene kaya mahihirapan silang palitan ang show.

Pero habang sinusulat ito, isang source ng Baby Talk ang nagsabi na malamang na isang musical show ang ilagay sa nasabing slot kung saan isang diva ang magiging host. Ayaw munang i-reveal ng source ang pangalan ng diva na may show sa kabilang channel.

Anyway, wish ko lang na sana ay matapos na ang kontrobersiya kina Aga at Charlene. Marami nang nangyari at nagsalita na si Aga kaya sana naman, tigilan na ni Amalia Fuentes ang kung anu-anong sinasabi against Aga, Charlene and Ethel Ramos.

Tigilan na dahil wala na siyang magagawa. Hindi na puwedeng ibalik ‘yung mga nangyari sa Baguio last May 28.

Sayang naman kung sa simpleng issue ng invitation na sinasabi niyang four days before the wedding binigay at hindi pagiging part ng entourage ng kasal ng pamangkin niya ay palulungkutin niya si Aga.

Wala rin namang naniniwala sa mga sinasabi niya about Charlene. Sabi nga ni Aga sa isang interview bago sila umalis papuntang Las Vegas, Mrs. Aga Muhlach na si Charlene sa harap ng batas at ng Diyos kaya wala na silang magagawa.

Nagsabi na rin si Aga na tigilan na nila ang manager niyang si Tita Ethel dahil siya (Ethel) ang kino-consider niyang second mother at kung hindi kay Tita Ethel wala siya sa kinatatayuan niya ngayon.

So ano pa ba ang puwedeng sabihin against Tita Ethel ni Ms. Amalia or against Charlene?

Kaya sana naman tapusin na ‘yan. Ang ganda-ganda na ng kasal nina Aga. Lahat ng nakapanood last Sunday sa Destiny episode sa ABS-CBN ay na-touched as in naiyak sila dahil nakita nila kung gaano ka-in love si Aga and Charlene with each other. Grabe ang ganda-ganda, almost perfect. Talagang iko-consider mong dream wedding. Kaya bigyan naman natin sila ng chance na lumigaya.

Anyway, agree ako sa sinabi ni Pops na wala ng dapat pang maging issue at dapat ay harapin na lang nila ang kanilang pamilya.

Anyway, 15 lang kaming press na nagkaroon ng chance ma-invite sa wedding. Hindi pilitan ang pagdi-deadline ng story dahil sabi nga ni Tita Ethel guest kami do’n hindi writers. Of course big event ‘yun sa showbiz kaya hindi puwedeng hindi isulat.

Anyway, masaya kami kahit na nga pagsakay namin ng coaster, tulog kaming lahat dahil 2:00 am kami ng Sunday nag-travel papuntang Baguio and right after the wedding ay umuwi na rin kami.

Kaya nga na-shock ako sa biglang pagsasalita ni Amalia. Since lumabas siya sa D Day! last week, ang tinatanong ko: Bakit ngayon ka lang nagsalita - ngayong tapos na ang kasalan at magkakaanak na sila ni Aga at Charlene.

Pero base nga sa kuwento ng isang malapit na kaibigan mismo ni Amalia, scripted ang lahat ng ginagawa nila kay Aga at Charlene.

At isa pang pinaka-latest na narinig namin sa PRO ni Cheng Muhlach na willing na raw makipag-ayos ang huli kay Tita Ethel para matapos na ang gulo. Come to think of it, sino nga ba ang nagsimula?

Dagdag daw ni Mang Cheng, kapag hindi siya kinausap ni Tita Ethel, who is determined to bring the case to court (si Senator Kiko Pangilinan lang naman ang lawyer niya), he will fight back (sana in court din). After all daw, he knows where he stands, ama pa rin daw siya ni Aga.

Well knowing Tita Ethel, I don’t think kahit kailan ay babalakin niyang maging ama ni Aga who, on TV, already referred to her (Tita Ethel) as his second mother.
*****
Bumili pa ng book on rules of court si Eric Quizon para may idea siya sa role niyang Your Honor kung saan isa siyang ambitious lawyer na for the first time ay ginawa niya sa TV. At bilang preparation sa kanyang character, kinausap pa niya ang mga kaibigan niyang lawyer at nag-observe kung paano magsalita at kumilos ang isang lawyer.

Antagonist si Eric ni Richard Gomez dito na base sa kuwento ng una, sobrang yabang at inggitero ang character niya.

Pero kahit may regular TV show na siya, nagpa-plano pa rin siyang mag-direk ng pelikula. "Pero parang ayaw pang gumana ng utak ko ngayon eh," he says sa presscon ng Your Honor.

Anyway, nagkita sila kelan lang ni Giselle Toengi sa New York - nang mag-taping sila ng telesine na napalabas na last June 3.

Feeling ni Eric, masaya naman si Giselle sa New York ang problema nga lang daw, wala pa itong working permit kaya hindi natuloy ang gagawin sana nitong telesine. But Giselle is currently taking up acting ang singing lesson para lalo pang ma-develop and talent niya.

At any rate, magsisimulang mapanood ang Your Honor on Monday right after Kaya Ni Mister Kaya Ni Misis.

vuukle comment

AGA

CHARLENE

ETHEL

KAYA

NIYA

TITA ETHEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with