Winning tandem nina Robin at Joyce
June 5, 2001 | 12:00am
Hindi ang sexy actress na si Joyce Jimenez ang sinasabing ka-tandem dito ni Robin Padilla bagaman at ang pinagtambalan nilang pelikula, Narinig Mo Na Ba Ang L8est? ay nasa ika-anim na linggo na ng pagpapalabas sa mga sinehan. The Joyce referred here is Bb. Joyce Bernal, Robin’s director in Buhay Kamao, isa sa pinaka-bata at pinaka-magaling na direktor ng pelikulang Tagalog.
Ikatlong pagsasama na ito nina Binoe at Joyce, unang dalawa Ang Kailangan Ko’y Ikaw at Tunay Na Tunay.
"Si direk Joyce, talagang magaling ‘yan, Biruin mo, saan ka ba nakakita ng isang babae na nakakapag-direk ng action movies? Hindi lang hard hitting action kundi may touch pa ng nakakakilig na eksena kaya tamang-tama ang timpla," ani Binoe.
Sa Buhay Kamao, isang boksingero si Binoe na tumigil sa pagboksing para tulungan ang kanyang kapatid sa negosyo nitong gulay. Kasama rin sa movie sina Rica Peralejo, Bobby Andrews, John Lapus, David Bunevacz, Raymond Bagatsing, Jonnee Gamboa, Royette Padilla, Spanky Manikan at marami pa. Introducing si Kristine Mangle, bilang anak ng boxing coach ni Robin at paborito niya.
Palabas na ang pelikula sa Hunyo 12. Screenplay ni Mel del Rosario.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am