Regine, hindi tatandang dalaga!
June 4, 2001 | 12:00am
Sa kanyang edad (lampas na siya ng 30), maraming kasing-edad ni Regine Velasquez ang magpa-panic na sa pag-aakalang napag-iiwanan na sila ng biyahe. Hindi ang itinuturing na Asia’s Songbird. "Mag-aasawa rin ako. Hindi naman ako tomboy. Gusto ko ring magkaroon ng pamilya, ng mga anak pero, siguro, hindi pa ngayon ang tamang panahon. Kaya hindi pa dumarating ang lalake para sa akin," sagot ni Regine during the launching of "Pangako, Ikaw Lang" soundtrack na ginanap sa bagung-bagong UFO Planet Rock.
Marami kasi ang mga entertainer writers na nagtataka kung bakit tila hindi pa nagmamadali si Regine ng pag-aasawa gayong liyebo tres na siya. Tinatakot nga nila ang magaling na singer na malapit na siyang mawala sa kalendaryo pero nagkakamali sila kung inaakala nilang matatakot ito. "Makabago na tayo ngayon. Nung araw, maagang nag-aasawa ang mga babae pero hindi ngayon. Maraming babae ang may career and they don’t mind even if at past 30 ay mga dalaga pa sila. Career women now marry in their late 20’s or early 30’s. Wag kayong mag-alala, wala akong balak na magpaka-tandang dalaga," may pagbibiro niyang sabi.
May pelikula si Regine with Aga Muhlach na nakatakdang mapanood. Hindi siya nag-aalala na baka maapektuhan ang kanilang pelikula sa pagpapakasal ni Aga.
"Hindi naman ang tandem lamang ang binibigyan ng importansya ng mga manonood kundi una na ang istorya. I believe may chemistry pa rin kami ni Aga as a tandem and that people will like it when they see our film dahil maganda ito," pagtatanggol niya.
Hindi lamang ang pelikulang Pangako, Ikaw Lang ang may malaking promise kundi maging ang soundtrack nito na nagtatampok ng ilang mga piling awitin sa pangunguna ng isang komposisyon ni Ogie Alcasid na may same title rin ng movie bilang theme song. May isang song dito na pinagduwetuhan nina Regine at Robert Arevalo na lumalabas na father niya in the movie. Akala ko talaga ay si Frank Sinatra ang ka-duet ni Regine dahil Sinatrang Sinatra ang dating ng song. Ito ang "Someone To Watch Over Me". May solo version din si Regine ng nasabing song.
May song sa album ang sister ni Regine, si Diane Roque, ng kantang "Your Friend". Sherilyn Reyes, too, ng "Thank You for Being My Friend" at si Jaya ng "Bakit Ngayon Ka Lang".
Tatlong ABS-CBN talents ang nakatakdang mapanood sa magkakaibang konsyerto na naka-schedule sa buwang ito bilang bahagi ng ABS-CBN Talent Center’s 8th Anniversary celebration.
Una na si Roselle Nava who will give a performance sa Nth Degree sa June 23. Makakasama niya sa show ang mga kapwa Talent Center artists na sina Diane dela Fuente, Lloyd Zaragoza at ang Project X.
Hindi lamang local concerts ang pinagkakaabalahan ni Roselle, mayroon siyang naka-schedule na US concerts sa buwan ng Hulyo, sa San Francisco at San Diego.
Nasa UFO Planet Rock naman ang magaling na aktor na si Bernard Palanca kasama ang kanyang bandang Bizqit Factory sa Hunyo 29, 9:00 ng gabi.
Bagaman at kinikilala ang kanyang talino sa pag-arte, itinuturing ni Bernard na isa siyang musikero, first and foremost. "It’s the one thing I can’t live without in this world. I listen basically to every type including acid jazz and ethnic," ani Bernard.
Kilala sa kanilang musikang alternatibo si Bernard at ang kanyang banda. Bukod sa kanilang mga originals, kumakanta rin sila ng cover songs.
Makakasama nila sa palabas sina Desiree del Valle at Julia Clarete.
Nasa Republic of Malate naman si Carol Banawa sa Hunyo 30 kasama sina JM Rodriguez, ang Acoustic Jive at 92 AD.
Katatapos pa lamang ni Carol ng kanyang konsyertong Key Of C sa On Stage ng Glorietta at napanood din sa programang Star Studio. Itinuturing si Carol na isang future superstar sa larangan ng pagkanta.
Hindi ko malaman kung dapat kong seryosohin o hindi ang ginawa ni Katrina Paula na pago-offer ng kanyang talino bilang isang performer sa grupong Abu Sayyaf, para raw lumamig ang ulo ng nasabing grupo. Matatandaan na ginawa na rin ito ng baguhang sex symbol na si Marinella.
Paano kaya kung tanggapin ng ASG ang offer ni Katrina, gawin kaya niya ang mga ipinangako niya?
Marami kasi ang mga entertainer writers na nagtataka kung bakit tila hindi pa nagmamadali si Regine ng pag-aasawa gayong liyebo tres na siya. Tinatakot nga nila ang magaling na singer na malapit na siyang mawala sa kalendaryo pero nagkakamali sila kung inaakala nilang matatakot ito. "Makabago na tayo ngayon. Nung araw, maagang nag-aasawa ang mga babae pero hindi ngayon. Maraming babae ang may career and they don’t mind even if at past 30 ay mga dalaga pa sila. Career women now marry in their late 20’s or early 30’s. Wag kayong mag-alala, wala akong balak na magpaka-tandang dalaga," may pagbibiro niyang sabi.
May pelikula si Regine with Aga Muhlach na nakatakdang mapanood. Hindi siya nag-aalala na baka maapektuhan ang kanilang pelikula sa pagpapakasal ni Aga.
"Hindi naman ang tandem lamang ang binibigyan ng importansya ng mga manonood kundi una na ang istorya. I believe may chemistry pa rin kami ni Aga as a tandem and that people will like it when they see our film dahil maganda ito," pagtatanggol niya.
Hindi lamang ang pelikulang Pangako, Ikaw Lang ang may malaking promise kundi maging ang soundtrack nito na nagtatampok ng ilang mga piling awitin sa pangunguna ng isang komposisyon ni Ogie Alcasid na may same title rin ng movie bilang theme song. May isang song dito na pinagduwetuhan nina Regine at Robert Arevalo na lumalabas na father niya in the movie. Akala ko talaga ay si Frank Sinatra ang ka-duet ni Regine dahil Sinatrang Sinatra ang dating ng song. Ito ang "Someone To Watch Over Me". May solo version din si Regine ng nasabing song.
May song sa album ang sister ni Regine, si Diane Roque, ng kantang "Your Friend". Sherilyn Reyes, too, ng "Thank You for Being My Friend" at si Jaya ng "Bakit Ngayon Ka Lang".
Una na si Roselle Nava who will give a performance sa Nth Degree sa June 23. Makakasama niya sa show ang mga kapwa Talent Center artists na sina Diane dela Fuente, Lloyd Zaragoza at ang Project X.
Hindi lamang local concerts ang pinagkakaabalahan ni Roselle, mayroon siyang naka-schedule na US concerts sa buwan ng Hulyo, sa San Francisco at San Diego.
Nasa UFO Planet Rock naman ang magaling na aktor na si Bernard Palanca kasama ang kanyang bandang Bizqit Factory sa Hunyo 29, 9:00 ng gabi.
Bagaman at kinikilala ang kanyang talino sa pag-arte, itinuturing ni Bernard na isa siyang musikero, first and foremost. "It’s the one thing I can’t live without in this world. I listen basically to every type including acid jazz and ethnic," ani Bernard.
Kilala sa kanilang musikang alternatibo si Bernard at ang kanyang banda. Bukod sa kanilang mga originals, kumakanta rin sila ng cover songs.
Makakasama nila sa palabas sina Desiree del Valle at Julia Clarete.
Nasa Republic of Malate naman si Carol Banawa sa Hunyo 30 kasama sina JM Rodriguez, ang Acoustic Jive at 92 AD.
Katatapos pa lamang ni Carol ng kanyang konsyertong Key Of C sa On Stage ng Glorietta at napanood din sa programang Star Studio. Itinuturing si Carol na isang future superstar sa larangan ng pagkanta.
Paano kaya kung tanggapin ng ASG ang offer ni Katrina, gawin kaya niya ang mga ipinangako niya?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended