^

PSN Showbiz

Magulong love affair ni Mystica

-
Dahil Hunyo na at pasukan na namang muli, tinanong ko si Aya Medel kung may balak siyang mag-aral o bumalik muli sa eskwelahan.

"Naka-enroll naman ako sa ICS (International Correspondence School), home study yon," inpormasyon niya. "I am taking up BS Tourism. Mga 3 to 4 years bago matapos ang kurso. Malapit ang tourism kasi sa pag-aartista. Parang nagbi-business ka rin. Makakarating ka pa ng ibang bansa. Pero I am sure na hindi ako makakapasa bilang international flight stewardess. Mababa kasi ako. I am only 5 feet and 5 inches."

Aware si Aya sa epekto ng mga kaguluhan at gulo ng pulitika sa bansa sa ginagalawan niyang career. "Malaki talaga ang epekto," diin niya. "Walang masyadong pelikula ngayon, pansinin mo. Medyo tipid sila ngayon sa budget. Yung mga pelikulang ipinalalabas ngayon, karamihan, matagal nang ginawa, yung iba na dapat noon pang Pebrero o March shelved muna dahil dumating yung Edsa II, tapos, Edsa III, lately nagkaroon nga ng election. Mas naging interesado ang mga tao sa pulitika. Pati mga artista, pinasok ang pulitika.

"Yung nakaraang election, ang daming producer na ayaw munang maglabas ng pelikula. Tapos, before the election, di ba, masyadong humigpit, lalo na sa bold?

"Nakaapekto rin ang election sa regular TV drama series ko, yung Kirara," patuloy ni Aya. "Pansamantala akong nawala sa Kirara, kasi, yung character ko, dikit kay Tirso Cruz III at asawa ko naman dito si Daniel Fernando. Eh di ba, yung dalawa, kumandidato sa nakaraang election, si tito Pip, sa Las Piñas, si Daniel sa Bulacan? Eh may ruling ang Comelec tungkol sa pag-appear sa TV ng isang kandidato. Nagkataon na dikit sa kanilang dalawa ang karakter ko, kaya pati ako, nadamay!

"Baka next month, umapir na akong muli sa Kirara, after two months na nawala ako. Two years nang nasa ere ang Kirara. Nagri-rate, ang daming commercials, saka nanalo pa ng best drama series sa Star Awards for TV, kaya matagal pa itong mawawala."

Dahil lean months ngayon sa industriya, pinaaandar ni Aya ang kanyang business-sense. "Nagdadala ako ng mga binili kong damit sa Tabaco, Albay, sa probinsiya namin, at ipinagbibili ng cash sa mga kakilala ko roon. Naging city na lately ang Tabaco, kaya ang plano ko, magtayo ng Internet Cafe doon, as much as possible, this year, bago mag-Pasko. May naipon na rin naman ako kahit konti.

"Feeling ko, bagay sa Tabaco City ang isang coffee shop na may internet. Dahil sa schools lang merong computer at karamihan ng mga estudyante, walang sariling computer, so, puwede sila doon. Ang alam kong budget dito, yung pinaka-modest, mga P350,000. Rerentahan lang yung mga computer equipments.

"Dito sa Metro Manila, ang dami nang Internet Cafe. Habang nagko-computer ka, nagkakape ka. Noon, restaurant business ang pinangarap ko. Pero nitong may nagsipagtayuan nang Jollibee at McDonald’s sa Tabaco City, naisip kong mahirap silang kakumpitensiyahin, di ba? Kaya itong Internet Cafe na lang ang plano kong gawing negosyo, solo ko."
*****
Special guest si Rey Salac sa isang major concert ni Mystica noong Miyerkules.

Ikalawang pagsasama na nina Rey at Mystika sa isang malaking show pero sa maliliit na shows, marami na. "Kaya siguro ganun kami ka-close," sabi ni Rey noong Linggo sa bahay niya sa Quezon City. At anong ugali ng nasabing singer ang kabisado ni Rey? "Napaka-honest ni Mystica, wala siyang inhibitions. Kung ano ang gusto niyang sabihin, sinasabi niya. Wala siyang itinatago, kahit sa personal niyang buhay. Kung ano siya sa stage, ganun din siya sa labas. Actually, tatlong beses siyang umapir sa Star Search ko noon, kaya kami nagkakilalang mabuti at nagkalapit."

Ayon kay Rey, naipagtapat na niya kay Mystika ang kakaibang damdamin niya rito. At ano ang isinagot nito sa kanya? "Minsan, sinasagot niya ako ng ‘Sige, sige!’ pero madalas, tawa lang siya nang tawa. Sa tingin ko, hindi naman niya ako siniseryoso. Pero feeling ko ngayon, ayoko nang pasukan. Kasi, may naramdaman akong hindi maganda. Magulo. Maaaring hindi siya maging satisfied sa edad kong ito. Ang hinahanap niya siguro, mga bata."

Noong nakaraang linggo, nagpa-interbyu ang ex-boyfriend ni Mystika kay Rey sa Saturday program nito, si Allan Sison. "Ipinakulong ni Mystika ang boyfriend niyang ito dahil sa panghuhuthot sa kanya. Bigay nang bigay si Mystika ng pera sa lalake, bumili ito ng sasakyan, kini-claim ng lalake na nanghiram lang siya ng pera at ang iba ay kanya pero sabi ni Mystica, sariling pera niya ang ipinambili ng sasakyan. Pero iginigiit ng lalake na pandagdag lang yung 100,000 pesos na hiniram niya kay Mystica. Ilang araw din itong nakulong sa Crame pero nakalabas lang nitong Sabado dahil sa piyansa. Nag-iikot ito sa mga radio stations para marinig ang kanyang panig. Hindi naman niya sinisiraan si Mystika. Yon lang pinagsasabi nito in print ang sinasagot niya. Nagkataon na noong Sabado, pinakinggan ni Mystica ang pahayag ni Allan at sinagot din niyang lahat ito, kuwento ni Rey."

Ikalawang lalake na sa buhay ni Mystica si Allan, nauna si RJ na isang dancer. Kaya nga pinangaralan din ni Rey si Mystica na magdahan-dahan sa pamimili ng lalake. "Eh nakilala lang ni Mystica si Allan sa isang audience participation ng kanyang show. Doon nagsimula yon, tapos, tawagan sa telepono. Kinakantahan pa nga niya yung lalake sa phone. Hanggang magkita sila sa Anabels at humiling si Mystika na "magpalamig" sila after the dinner date. Kahit nalaman niya later na may asawa na si Allan, nagpatuloy sila. Pero nang makita ni Mystica na mas maganda kaysa sa kanya ang wife, nagselos siya. Doon na nagsimula yung hindi nila pagkakaintindihan."

Ayon kay Rey, taga-Radio Veritas si Allan. At dahil blackbelter ito, ginawa ni Mystika na bodyguard ito. Napunta sa relasyon yung closeness nila. "Ang hiling ko na lang, sana baguhin na lang ni Mystika ang kanyang lifestyle. Para hindi siya masira at patuloy na magtagumpay siya sa kanyang career."

Sabi ni Rey ngayon na parang biglang natauhan, "Hindi ko na ipagpapatuloy yung panliligaw ko kay Mystika. Pero nananatili kaming friends. Dito nga sa show namin sa PICC, special guest niya ako without pay. I just want to give her support. Isang malaking achievement na para sa akin ang makapag-perform sa PICC. Yon lang ang habol ko doon."

vuukle comment

AKO

LANG

MYSTICA

MYSTIKA

NIYA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with