^

PSN Showbiz

12 years old son tagapagmana ni Gary V.

-
Bakit ka pa nga naman hahanap ng tagapagmana ni Gary Valenciano gayong kitang-kita na na ang isa sa kanyang mga anak na lalaki, ang 12 taong gulang na si Gabriel Pangilinan Valenciano ay nagsisimula nang gumawa ng kanyang pangalan sa larangan ng musika.

Kasama siya sa kasalukuyan ng kanyang ama na humahataw sa isang seven-stop US tour bilang pagdiriwang ng ika-18th anibersaryo ni Gary V.

Hindi lamang isang karagdagang entertainer sa show si Gabriel. O kaya ay pamparami ng guest kundi man pampahaba ng oras.

Isa siyang mahalagang sangkap ng palabas. Katunayan, nagsisimula na ang mga manonood na paghambingin sila ng kanyang ama na nagbibigay ng malaking katuwaan kay Gary V.

Ma-tagumpay ang naging palabas nila sa Reno, Nevada (Mayo 19) at Sacramento, California (Mayo 20) malaki ang katuwaan ng mga may-ari ng lugar na kanilang pinagtanghalan na sina Greg at Cary Carano at Rick Murdoch at maging ng kanilang producers na sina Tim at Digna Leonard at Benette Pangilinan ng Leonard Productions.

Kasama ng mag-ama na nagpi-perform ang Powerplay Band, guest vocalists na sina Mayann Casal-Soriano at Melissa Fontano, ang miyembro ng Manoeuvers na si Joshua Zamora at Bryan Rosal.

Gary holds the distinction of being the first National Ambassador of UNICEF.

Pinaka-break ng US concert tour ni Gary V. ang pagdaraos niya ng isang evangelistic show na Gary V – Revive nung Mayo 27 at 28 sa Liberty Towers sa Sacramento City.

Sa Hunyo 2 nasa Parkside Hall siya ng San Jose, California Convention Center; Hunyo 9, San Diego Golden Hall; Hunyo 12, Independence Day show sa Houston, Texas General Assembly Theater; Hunyo 17, Chicago, Illinois Navy Pier at Hunyo 22, Florida Theater, Jacksonville, Florida.
*****
Ang soul interpreter ng mga malalaking hits na tulad ng "Larawang Kupas", "Tanging Sa ‘Yo" at "Baka Mayro’ng Iba" na si Jerome Abalos ay makakahinga na ng maluwag sapagkat ang lalaking nagpapanggap na siya ay nahuli na at kasalukuyang nakapiit. Nahuli ang impostor habang gumagawa ng show sa isa sa mga hang-out sa Makati.

Hindi alam ng impostor na kilala ng may-ari ng restaurant ang tunay na Jerome Abalos kaya nung magpunta siya sa lugar nito para kumanta ay tinawagan nito ang kapatid ni Jerome na tumatayong manager din ni Jerome na tumawag naman ng pulis.

Kumakanta na ang impostor at hindi alam na pinanonood siya ng tunay na Jerome. Nagulat na lamang siya nang lapitan siya nito. Ang tanging nasabi niya (impostor) ay "Idol, pasensya ka na."

Marami ring "ninanakaw" na shows ang impostor kay Jerome. "Hindi ko alam baka matagal na niyang ginagawa ito. Syempre, sa mga lugar na hindi ako kilala ay makakapasa siya. Dun naman sa lugar na kilala ako ay nagbibigay siya ng dahilan kung bakit iba ang itsura niya o boses kaya. Tiinatanggap naman nila. Nang mahulin siya ay saka pa lamang nalaman ng lahat na totoo pala ang sinasabi ko. Marami kasi ang nag-akala na gumigimik lang ako," sabi ni Jerome sa isang latest interview.

Samantala, malakas pa rin ang benta ng second single ni Jerome. Ito ang "Tanging Sa ‘Yo" mula sa kanyang self-titled album. Ang iba pang nilalaman ng album ay ang "Pangako", "Why Can’t You Feel", "Bumangon Ka", "Sayang Na Sayang", "May Pagasa Ba", "Baka Mayroong Iba", "Huwag Mo Sanang Saktan" at "Heartache Tonight".

GARY V

HUNYO

JEROME

JEROME ABALOS

SIYA

TANGING SA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with