^

PSN Showbiz

Kamatayan ni Lino Brocka ginunita

-
Nagtipon-tipon ang ilang miyembro ng pamilya, mga kaibigan at kapanalig ni Lino Brocka noong ika-sampung taon ng kanyang kamatayan noong May 22 at doon sa harapan ng kanyang libingan ay idineklara nila ang Freedom of Expression Day sa karangalan ng batikang direktor na siyang nagpanukala ng phrase na "freedom of expression" sa ating kasalukuyang Konstitusyon.

Tinalaga kasi si Lino bilang isa sa mga members ng constitutional assembly noong umakyat sa kapangyarihan si Cory Aquino makaraang bumagsak ang diktadurya ni Ferdinand Marcos. Alam natin na si Lino ang isa sa pinakamatinding kalaban ng pamunuan ni Marcos at makailang beses siyang nag-rally at lumaban sa paninikil ng gobyerno ni Marcos lalo pa nga sa sinasabing kalayaan sa paggawa ng tinatawag na socially relevant films gaya ng Kapit sa Patalim at Jaguar.

Ang freedom of expression naman ay dati nang ginagarantiya ng Konstitusyon. Malaya ang ating mga pahayagan, malaya ang ating telebisyon at malaya ang ating kaisipan. Ang pinipigilan lamang ng gobyerno yata ay tungkol sa aksyon na inaakala nitong labag sa mga batas pero kung iisipin mo lamang ang mga bagay na labag sa batas, hindi ka naman puwedeng hulihin dahil sa anumang krimen, kailangan mo ang ebidensiya o pruweba ng iyong pagkakasala. Ewan ko lamang kung ang Freedom of Expression Day ay opisyal na sa ating lipunan o gobyerno.

Hindi natin alam kung ang pagpapahayag na ito nina Pete Lacaba, Mel Chionglo, Carlitos Siguion Reyna, Armida Siguion Reyna at iba pang pamilya ay tuluyan nang maisasakatuparan ang mga layunin na binabalak ng mga concerned artists of the Philippines. Parang nakikita ko na isa itong porma ng aktibong paglaban sa local censorship. Malalim ko mang isipin, wala yata akong naaalala na pelikula si Lino Brocka na dumanas ng kontrobersiya o censorship dahil sa sex content ng mga pelikulang ito. Usually, ang mga pelikula ni Lino na napapansin ng gobyerno ay iyong may kinalaman sa mga pagmamalabis ng estado sa mga karaniwang mamamayan katulad ng Kapit sa Patalim na isang matindi at mariing condemnation ng kahirapan sa Pilipinas. Ang Jaguar naman ay ganoon din.

Pero ang lengguwahe ni Lino sa pagkakatanda ko sa ilang pelikulang napanood ko ay hindi naman masagwa, hindi matindi ang pagmumura at hindi naman talaga explicit ang mga sex scenes kung meron man. Ang mga kontrobersiya ng board of censors at mga moralista at mga iba pang concerned citizens tungkol sa censorship ng pelikulang Tagalog ay nagmumula unang-una na nga sa elemento ng sex ng pelikula tulad ng sa Live Show, Burlesk Queen Ngayon at sa ilang pelikula ni Priscilla Almeda na nagpakita ng lantaran sa mga maseselang bahagi ng katawan ng babae at lalake tulad ng nasa Sutla. Ang mga laban ni Lino Brocka noon sa censorship ay hindi naman natutuon sa sex na laman ng movie. Ang mga elemento ng sex sa kanyang pelikula ay hindi naman lantaran kundi parang mga suggestion lamang. Mas sexy pa nga ang mga pelikula ni Ishmael Bernal at ang mga pelikula ni Romy Suzara halimbawa.

May mga pelikulang naba-ban ng government katulad nang i-ban ni Marcos ang pelikulang Sakada ni Behn Cervantes, ngunit hindi naman ito naipagbawal dahil sa mga sex element nito kundi dahil nga sa inaakala ng gobyerno na laban ang tema ng pelikula sa administrasyon. Ewan ko lang kung magkaiba ang malayang pamamahayag, which is freedom of the press, o ang malayang pagpapahayag ng iyong damdamin at isipan gaya ng inaakala kong ibig sabihin ng freedom of expression.

vuukle comment

ARMIDA SIGUION REYNA

BEHN CERVANTES

BURLESK QUEEN NGAYON

FREEDOM OF EXPRESSION DAY

LINO BROCKA

NAMAN

PELIKULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with