^

PSN Showbiz

Donita hindi invited sa kasalang Gary-Berna

-
Maraming natutunan si Gary Estrada habang nangangampanya siya noon sa pagka-mayor. "I matured a lot.

Natutunan kong lumapit sa mga tao at hindi ako yung nilalapitan nila.

Sa showbis kasi, ang mga tao ang lumalapit sa artista pero sa pulitika, iba, ikaw ang makikihalubilo sa mga tao.

"May mga bagay-bagay ka rin na dapat isakripisyo pag nasa pulitika ka. Dapat iisipin mo ang kapakanan ng ibang tao.

Nabawasan din yung temper ko. Naging mas mahinahon ako ngayon," sabi niya. Pero hindi pinalad na manalo si Gary.

Samantala, tungkol naman sa balitang kasal nila ni Bernadette Allyson sa June 16, "If ever na matuloy ang kasal namin, gusto ko, simpleng-simple lang.

Gusto ko very intimate. Bawal ang video camera, bawal ang coverage hangga’t maaari," sabi pa niya.

Iimbitahan ba niya si Donita sa kasal nila ni Berna kung saka-sakaling matutuloy ito?

"For delicadeza, hindi. Hindi ko siya iimbitahan sa kasal ko. Ayoko ng may representation ‘yung past ko.

Kahit ako, pag kinasal si Donita ayoko rin na iimbitahan niya ako. Hindi ako pupunta."

Itinanggi naman ni Gorio ang balita na buntis na si Berna kaya nagmamadali silang magpakasal. "Hindi buntis si Bernadette.

She’s a very descent girl. Malabong mangyari ‘yon. Mabubuntis lang siya pag nakasal na kami.

At gusto ko, hangga’t maaari, mga sampung anak. Sana pumayag siya," sabi pa ulit niya.

Kasalukuyang nagti-training si Gorio para sa Philippine national team ng baseball.

Magiging busy rin siya para sa campaign ng bago niyang commercial ngayon –ang London Dry Gin. Wala raw muna siyang balak mag-pelikula sa ngayon. — LMB

vuukle comment

BERNA

BERNADETTE ALLYSON

DONITA

DRY GIN

GARY ESTRADA

GORIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with