^

PSN Showbiz

Mas naging daring pa si Halina

-
Pagkatapos alipinin ni Halina Perez ang mga manonood sa pelikulang Alipin ng Tukso at dalhin sa glorya ang masang Pinoy sa Ikapitong Glorya, heto’t babalandra na naman ang kanyang alindog sa bago niyang pelikulang Makating Bunga ng kanyang mother studio — Leo Films.

This time, lalong naging mapangahas ang "Halina ng Bayan" dahil ang role niya sa naturang pelikula ay nympho maniac.

Bale apat ang mga lalaking nakasama rito ni Halina. Kung tawagin nga ang mga lalaking ito ay mga "Makabagong Adonis ng Bagong Milenyo".

Ang bida sa kontrobersyal na pelikulang Live Show na si Paolo Rivero, ang barakong si Allen Dizon, ang macho-guwapitong si Juan Carlos Castro at ang kaibig-ibig na si Francis Enriquez at may special participation din si Harold Pineda na kasama niya sa pelikula.

Samantala, kasama rin sa pelikula sina Jean Saburit, Lito Legaspi, Lovely Rivero at Rita Magdalena. Mula pa rin sa Leo Films at sa direksyon ni Rico Tariman. (Ulat ni Rodel Fernando)

vuukle comment

ALLEN DIZON

BAGONG MILENYO

FRANCIS ENRIQUEZ

HALINA

HALINA PEREZ

LEO FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with