Rommel, kaya ang kasikatan ni Cesar?
May 25, 2001 | 12:00am
Di maglalaon at ilulunsad na rin sa stardom si Rommel Montano, nakababatang kapatid ni Cesar Montano. Magkasama ang dalawa sa pelikula ng Viva na palabas na sa katapusan ng buwang ito, ang Alas Dose. The movie also topbills Christopher de Leon, Patricia Javier and Sunshine Cruz.
Si Toto Natividad ang magdi-direct at magpo-produce ng kanyang solo movie na pinamagatang Gangsta. Baka si Judy Ann Santos ang makasama niya sa pelikula na ipoprodyus ng Viva Films.
May balak din si Cesar na igawa siya ng kanyang solo at parang launching movie rin. Balak niya na siya na rin ang mag-direct nito. Rookie ang tentative title ng movie na balak kunin si Assunta da Rossi para makapareha niya. Para kay Cesar actually ang istorya, ibinibigay lamang nito kay Rommel ang pelikula dahil gusto niyang maging maganda ang launching nito.
Fifteen years old lamang si Rommel nang magbalak siyang mag-artista. Hindi siya pinayagan ni Cesar at halip ay pinapag-concentrate sa kanyang pag-aaral. Nang makatapos lamang siya ng kursong Computer Science ay saka pa lamang siya nakapag-artista.
Pawang mga character roles ang ginagampanan ni Rommel. Memorable sa kanya ang pagiging kontrabida ni Vicitor Neri sa ExCon, ni Rudy Fernandez sa Palaban, ni Jinggoy Estrada sa Barako ng Maynila. Kontrabida rin siya ni Ronnie Ricketts sa Mano Mano at ng kanyang utol na si Cesar sa Ang Mananabas. "Malalim ang acting ko dito, mahirap," sabi niya nang bisitahin namin sa set ng Alas Dose sa Antipolo.
Kasama rin siya sa Mindanao, isang pelikula ni Marilou Diaz Abaya na pangungunahan din ni Cesar. "Baka magalit ang mga Muslim sa akin dito dahil bababuyin ng character ko ang kanilang mosque. Iihian ko ito, mag-iihaw ng baboy at dito rin ako iinom ng alak," imporma niya.
Sinabi niyang nag-audition siya for the role. Lahat silang kasama sa pelikula. Including Jericho Rosales at Carlo Aquino. May mga malalaki raw artista na kasama sana but they refused to audition kaya hindi sila kinuha. Patakaran na ni direk Marilou na lahat ng kasali sa pelikula niya ay dumadaan sa isang audition.
Sinabi ni Rommel ba baka magpakasal na rin siya next year.
Isang policewoman naman si Patricia Javier sa Alas Dose. Hindi na niya kinailangang mag-aral ng martial arts for her role. "Basta sinabihan lang ako na hindi kailangan akong magpa-sexy for my role. Kailangan daw more masculine ako than feminine. Pero may isang eksena ako dito na hubad ako. Binalutan lamang nila ang buong katawan ko ng mga bomba," kwento niya.
Bukod sa pag-arte at pagkanta ay may pinagkakaabalahan si Patricia. Nagdi-discover siya ngayon at nagma-manage ng mga talents. May discovery siyang isang 20 year singer mula sa Cagayan na nagngangalang Jessica. "Maganda na siya magaling pang kumanta. Pinakuha ko siya ang audition sa Little Mermaid at pumasa naman. Hindi pa namin alam kung anong role ang ibibigay sa kanya. Mala-Lea Salonga ang talent niya," pagmamalaki ni Patricia.
Bakit niya ginagawa ang mag-discover at mag-manage ng talents?
"Gusto ko lang makatulong. Later on, siguro magandang hanapbuhay din ito. May alam na ako sa business at may mga koneksyon," aniya.
Sinabi niyang hindi pa sila nagkakabalikan ni Mark Nelson. "Pero, magkaibigan kami, mabuting magkaibigan," paliwanag niya. Magkaibigan din sila ng may asawa nang si Bong Agustin. Nagkaroon sila ng relasyon nun.
Si Toto Natividad ang magdi-direct at magpo-produce ng kanyang solo movie na pinamagatang Gangsta. Baka si Judy Ann Santos ang makasama niya sa pelikula na ipoprodyus ng Viva Films.
May balak din si Cesar na igawa siya ng kanyang solo at parang launching movie rin. Balak niya na siya na rin ang mag-direct nito. Rookie ang tentative title ng movie na balak kunin si Assunta da Rossi para makapareha niya. Para kay Cesar actually ang istorya, ibinibigay lamang nito kay Rommel ang pelikula dahil gusto niyang maging maganda ang launching nito.
Fifteen years old lamang si Rommel nang magbalak siyang mag-artista. Hindi siya pinayagan ni Cesar at halip ay pinapag-concentrate sa kanyang pag-aaral. Nang makatapos lamang siya ng kursong Computer Science ay saka pa lamang siya nakapag-artista.
Pawang mga character roles ang ginagampanan ni Rommel. Memorable sa kanya ang pagiging kontrabida ni Vicitor Neri sa ExCon, ni Rudy Fernandez sa Palaban, ni Jinggoy Estrada sa Barako ng Maynila. Kontrabida rin siya ni Ronnie Ricketts sa Mano Mano at ng kanyang utol na si Cesar sa Ang Mananabas. "Malalim ang acting ko dito, mahirap," sabi niya nang bisitahin namin sa set ng Alas Dose sa Antipolo.
Kasama rin siya sa Mindanao, isang pelikula ni Marilou Diaz Abaya na pangungunahan din ni Cesar. "Baka magalit ang mga Muslim sa akin dito dahil bababuyin ng character ko ang kanilang mosque. Iihian ko ito, mag-iihaw ng baboy at dito rin ako iinom ng alak," imporma niya.
Sinabi niyang nag-audition siya for the role. Lahat silang kasama sa pelikula. Including Jericho Rosales at Carlo Aquino. May mga malalaki raw artista na kasama sana but they refused to audition kaya hindi sila kinuha. Patakaran na ni direk Marilou na lahat ng kasali sa pelikula niya ay dumadaan sa isang audition.
Sinabi ni Rommel ba baka magpakasal na rin siya next year.
Bukod sa pag-arte at pagkanta ay may pinagkakaabalahan si Patricia. Nagdi-discover siya ngayon at nagma-manage ng mga talents. May discovery siyang isang 20 year singer mula sa Cagayan na nagngangalang Jessica. "Maganda na siya magaling pang kumanta. Pinakuha ko siya ang audition sa Little Mermaid at pumasa naman. Hindi pa namin alam kung anong role ang ibibigay sa kanya. Mala-Lea Salonga ang talent niya," pagmamalaki ni Patricia.
Bakit niya ginagawa ang mag-discover at mag-manage ng talents?
"Gusto ko lang makatulong. Later on, siguro magandang hanapbuhay din ito. May alam na ako sa business at may mga koneksyon," aniya.
Sinabi niyang hindi pa sila nagkakabalikan ni Mark Nelson. "Pero, magkaibigan kami, mabuting magkaibigan," paliwanag niya. Magkaibigan din sila ng may asawa nang si Bong Agustin. Nagkaroon sila ng relasyon nun.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended