Ano ang totoo kay Piel?
May 24, 2001 | 12:00am
Nang makausap ko si Mommy Rose Flaminiano ay tinanong niya kung si Piel Morena ang tinutukoy ko sa aking blind item na seksing aktres na nagnanais na magpaalis ng silicone sa kanyang dibdib.
Itinuwid pa rin nito ang tsismis tungkol sa pagiging tomboy daw ni Piel.
"Wala akong napapansing bagay na magpapatunay na siya’y isang tibo. Hindi ko nga alam kung saan nagsimula ang tsismis na yan," aniya.
Ayon pa rin kay Mommy Rose, umalis na sa condo na ipinahiram niya si Piel at hindi niya alam kung saan ito nagpunta.
Nanghihinayang siya sa career ng alaga kung hindi na siya magbabalik.
Gusto pa naman ni Piel na bigyan siya ng project ni Mommy Rose kung saan makikilala siya bilang action queen.
"Pero patunayan niya muna na hindi siya isang tibo dahil kung aaminin niya ang tunay na pagkatao ay malamang na ito na ang maging katapusan ng kanyang career.
Sayang ang pagbi-build up namin sa kanya bilang sexy star," dagdag pa ng produ.
Nakatabi namin si Mommy Rose Flaminiano ng FLT Films na siyang prodyuser ng Carta Alas (Huwag Ka Nang Humirit). Sinabi nitong madali nilang natapos ang syuting ng pelikula at inabot lang ito ng 25 days. "Never na nale-late si Ace Vergel at kailanman ay hindi ito nagbigay ng problema sa amin. Mabait siyang tao at mabuti ring makisama sa mga kapwa artista at talagang binibilhan niya ang mga ito ng pagkain.
After Carta Alas ay may follow-up movie si Ace sa FLT titled Ako Ang Bahala, Ikaw Ang Kawawa. Pinagpipilian pa kung sino sa tatlo ang magiging leading lady niya-Geneva Cruz, Janna Victoria at Ara Mina. Mas may bentahe ang naunang dalawang aktres dahil sad to say ay hindi kinakagat si Ara sa action movie. Hataw ito sa mga sexy movies. Pinag-aaralan pa ng FLT kung sino ang itatambal kay Ace.
Ayon kay Ace ay feeling young siya habang ginagawa ang pelikula dahil kasama niya sina Antoinette Taus at Wowie de Guzman.
Habang papalapit na ang Metropop Song Festival na idaraos ngayong Sabado ay kinakabahan si Angelika dela Cruz dahil puro magagaling na mang-aawit ang magiinterpret ng mga nilikhang awitin ng mga maglalabang composers. Kahit magaling na mang-aawit din ang aktres ay hindi maiwasang kabahan siya dahil first time niyang sasali sa malakihang singing competition.
Araw-araw ay nagsasanay ito at doon muna tumutuloy sa Tandang Sora sa bahay ng ina para makapag-cocentrate sa kanyang rehearsal. Maingay kasi sa Malabon kung saan patuloy na ginagawa ang kanilang malapalasyong tahanan. Ito ang dream house ni Angelika kung saan kumuha pa sila ng sikat na arkitekto.
Sa kabilang banda ay hindi natuloy ang pelikulang gagawin niya sa MMG Films titled Okey Ka Lang. Mas type niyang mabigyan na mas mabigat at solong proyekto. Sayang nga at hindi natuloy ang proyektong inilapit ni Ed Palmos sa said company kung saan tatampukan sana ito ni Nora Aunor at Angelika na personal choice ni Direk. Umaasa ang aktres na sana’y mabigyan din siya ng pelikula ng GMA Films.
Kahit nanamlay ang pelikulang Tagalog ay naniniwala pa rin si Direk Jose Carreon na kikita ang pelikulang Carta Alas na tinatampukan ni Ace Vergel. Sabi nga ni Direk ay may magic pa rin ang magaling na aktor pagdating sa box-office. Ni minsan ay hindi rin sumemplang sa takilya ang kanyang mga pelikula. "Para kumita ang pelikula, kailangang maganda ang istorya. Magaling na artista si Ace at di ako nahirapan na maidirek siya. Tailor made ang pelikula para sa kanya ayon pa sa direktor. palabas na ang pelilkula sa Mayo 30.
"Wala akong napapansing bagay na magpapatunay na siya’y isang tibo. Hindi ko nga alam kung saan nagsimula ang tsismis na yan," aniya.
Ayon pa rin kay Mommy Rose, umalis na sa condo na ipinahiram niya si Piel at hindi niya alam kung saan ito nagpunta.
Nanghihinayang siya sa career ng alaga kung hindi na siya magbabalik.
Gusto pa naman ni Piel na bigyan siya ng project ni Mommy Rose kung saan makikilala siya bilang action queen.
"Pero patunayan niya muna na hindi siya isang tibo dahil kung aaminin niya ang tunay na pagkatao ay malamang na ito na ang maging katapusan ng kanyang career.
Sayang ang pagbi-build up namin sa kanya bilang sexy star," dagdag pa ng produ.
After Carta Alas ay may follow-up movie si Ace sa FLT titled Ako Ang Bahala, Ikaw Ang Kawawa. Pinagpipilian pa kung sino sa tatlo ang magiging leading lady niya-Geneva Cruz, Janna Victoria at Ara Mina. Mas may bentahe ang naunang dalawang aktres dahil sad to say ay hindi kinakagat si Ara sa action movie. Hataw ito sa mga sexy movies. Pinag-aaralan pa ng FLT kung sino ang itatambal kay Ace.
Ayon kay Ace ay feeling young siya habang ginagawa ang pelikula dahil kasama niya sina Antoinette Taus at Wowie de Guzman.
Araw-araw ay nagsasanay ito at doon muna tumutuloy sa Tandang Sora sa bahay ng ina para makapag-cocentrate sa kanyang rehearsal. Maingay kasi sa Malabon kung saan patuloy na ginagawa ang kanilang malapalasyong tahanan. Ito ang dream house ni Angelika kung saan kumuha pa sila ng sikat na arkitekto.
Sa kabilang banda ay hindi natuloy ang pelikulang gagawin niya sa MMG Films titled Okey Ka Lang. Mas type niyang mabigyan na mas mabigat at solong proyekto. Sayang nga at hindi natuloy ang proyektong inilapit ni Ed Palmos sa said company kung saan tatampukan sana ito ni Nora Aunor at Angelika na personal choice ni Direk. Umaasa ang aktres na sana’y mabigyan din siya ng pelikula ng GMA Films.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended